Pinagtagpo, Hindi Tinadhana

19.7K 1K 132
                                    

Chapter Fifteen

"NAG-AWAY ba kayo ni Jet?"

"Ha?" parang wala sa sariling nilingon ni Chantal si Marcy.

"Napansin ko kasi na parang ilang araw na kayong nag-iiwasan ni Jet. Nag-away na naman ba kayo?"

Napakurap-kurap si Chantal. Bigla na lang kasing nag-init ang kanyang mga mata. Umiling siya bilang sagot sa tanong ni Marcy. Siya man ay nalilito rin. Magmula ng araw na umalis sila nito para puntahan sa Vengeance Liu ay kapansin-pansin na ang pagiging distant ni Jethro.

Have I done something wrong? Iyon ang paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili.

Ngunit kahit anong pag-alala niya sa mga nangyari ng araw na iyon ay wala siyang maisip na dahilan. O bagay na ginawa niya na maaaring ikina-offend nito.

"Busy lang siya," aniya.

"Kunsabagay nga. Balita ko sunod-sunod ang pagawa sa kanila ngayon. Doon na nga halos sila kumakain sa talyer."

Oo, tama. Almusal hanggang hapunan ay sa talyer na kumakain sina Boogie. Samantalang noong mga nakaraang linggo naman ay nakakauwi pa ng pananghalian si Jethro at magkakasabay silang kumain. Pero sa halos buong isang linggong iyon ay hindi na halos sila nito magkita. Sobrang busy lang ba talaga ito o may iba pang dahilan?

"Hmp, napaka-alembong talaga ng babaing 'yon. Hindi na makapaghintay na lalaki ang lumapit sa kanya," iritableng wika ni Andeng pagpasok na pagpasok ng bahay.

"Sino na naman ang kaaway mo?" tanong ni Marcy.

"Sino pa? 'Yong babaing silicone ang boobs."

"Si Maita?"

Sa narinig ay naging alerto ang pandinig ni Chantal.

"Oo. Andu'n sa talyer, nilalandi na naman si Jethro. Ewan ko lang kung may matapos silang trabaho ro'n kung gano'ng halos lumuwa na ang kaluluwa ng babaing 'yon habang rumarampa sa gitna ng mga gumagawa."

Parang nanikip bigla ang dibdib niya.

That's probably the reason why, matamlay niyang naisip.

Mas gusto naman talaga ng mga lalaki ang babaing sexy. May malaking boobs, mahahabang legs, makinis at maputing balat. At hindi siya 'yon. Sure, she has pretty face. Pero hanggang doon lang. Kahit maputi ang balat niya, ghostly white iyon at maraming pekas. Lalo na kapag nabibilad siya sa araw. 

I guess he's not different from other men, may panghihinayang na naisaloob niya. Pero mabuti na rin 'yon. Sa sandaling umalis siya at bumalik sa dati niyang buhay ay wala siyang maiiwan.

"'You okay?" si Marcy.

"Hm, yup. I'm okay." Pinilit niyang ngumiti kahit sa kaibuturan ng damdamin ay may nadarama siyang hapdi.

Hindi niya ipagsisiksikan ang sarili sa lalaking ayaw sa kanya. No way. She's too good for that.

"I'll just take a nap," aniya sa mga ito.

Katatapos lang nilang mananghalian. Ang totoo ay naghintay siya kay Jethro, akala niya ay uuwi ito sa oras ng pananghalian. Pero hindi iyon nangyari. Kunsabagay, bakit nga naman ito uuwi? Naroon at kasama naman pala nito ang babaing may air balloon boobs.

Her chest hurts with that thought. Pero binalewala niya iyon at pilit na ipinagkibit-balikat ang nararamdaman. Makakalimutan din niya iyon. Lilipas din ang nararamdaman niya para kay Jethro. Baka nga simpleng paghanga lang iyon. At marahil ay nadadala lang din siya sa ideyang para siyang nakatagpo ng isang masayang pamilya sa loob ng tahanang iyon. At ang magkaroon ng ideal man sa katauhan ni Jethro ay isang malaking bonus.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon