Kamatayan at Pagluluksa

19.4K 1K 184
                                    

hindi ko po alam kung bakit soooobrang late mag-notif ang wattpad. para malaman niyo kung meron ng bagong update bisitahin niyo ang aking wattpad wall, facebook wall or ang aking group. Restricted Corner (frozen_delights' readers)

doon naman sa naghahanap ng mga stories ni ganito at ni ganoon, pakitingnan na lang po ang list of stories ko. bakasakaling magkita-kita kayo😅😅 pero kung wala pa rin, baka naman po naliligaw lang kayo at hindi ko talaga story 'yon😂😂😂


Chapter Sixty-Two

MAINGAT at walang ingay na inalalayan ni Jethro ang asawa palabas sa malaking siwang ng dingding kung saan siya pumasok upang disimuladong maitakas ito. Sinadyang gumawa ng ingay ni Boogie sa labas ng kubo upang mapalabas ang lalaking kasama ni Lucille. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon si Gareth, ang dating nobyo ng kanyang asawa at kalaguyo ni Lucille. 

Sa pahapyaw na salaysay ni Callous, matagal na raw nitong alam ang kinaroroonan ng kubo. Minsan na raw kasi itong nag-camping doon habang sinusuyod ang lugar sa posibilidad na baka naglulungga lamang sa kung saang kubling sulok ang sinumang naatasang magligpit kay Chantal. At tila hindi nagkabula ang hinala nito dahil sa mismong kubo na iyon dinala ng mga tinamaan ng lintek ang mahal niyang asawa.

"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" worried na tanong ni Jethro sa asawa nang malayo-layo na sila sa kubo. Buhat niya ito at ingat na ingat siya na baka sa pagmamadali niyang mailayo roon ang asawa ay madisgrasya pa sila.

Mahigpit na yumapos ang isang braso ni Chantal sa leeg niya. Naramdaman niya ang pangangatal nito.

"T-they plan to kill me and p-put the blame on you," sumisigok na sabi nito. "I was so worried about our baby."

"Shh. Hangga't buhay ako ay hindi ako makapapayag na may masamang mangyari sa inyong mag-ina."

Mahigpit na niyakap ni Jethro ang asawa. Tumigil siya sandali para i-comfort ito. Banayad niya itong hinagod sa likuran upang pakalmahin ang panginginig nito.

"Ligtas ka na, ligtas na kayo ni baby," masuyong bulong niya rito.

May ilang sandali rin silang magkayakap nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Lucille. Natuklasan na nito ang pagkawala ng bihag.

"Gareeeth...! Where the fuck are you?! Chantal is gone!"

Kumuyom ang mga daliri ni Chantal sa dibdib niya.

"I want to gouge her eyes and cut her tongue and feed it to the piranhas," gigil na wika nito sa nangangatal na tinig. 

"Ikaw na ang bahala sa kanya. Pero ako ang bahala sa ex mo?" nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.

"You can do anything you please, jellyboo. No one messes with my family and gets away with it unscathed."


SA kabilang dako, ang tinawag ni Lucille ay tigalgal na nakatitig sa dulo ng gatilyong nakatutok dito.

"Bonsoir, Monsieur Hayes," walang emosyong bungad dito ni Callous.

"W-who are you? Are you a cop?"

"I'm Ms. Karan's bodyguard."

"Bodyguard?" Gareth looks surprise.

"Lemme guess, you missed that information while monitoring her activities, oui?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Gareth.

"Yes. I know who you are, Gareth Hayes. Or should I call you... Vixen?"

"I-I don't know what you're talking about," anito na imboluntaryong umatras ang isang paa.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon