Harana

20.3K 1K 298
                                    

pasensya na sa mga utang-uta na sa kantang Moon. but the first time I heard this song, ito na talaga ang naka-set sa utak ko na theme song nina Jethro at Chan-chan.


Chapter Thirty-Three

PAPAGABI na ulit ngunit wala pa rin si Jethro. Wala naman siyang ibang mapagka-abalahan kundi ang maglakad-lakad sa baybayin, tumunganga sa dagat at magmukmok. Pinipilit siyang aliwin nina Marcy at Andeng pero kahit anong gawin ng mga ito ay hindi niya magawang ngumiti. Niyaya siya ng mga ito na pumunta sa Daruanak, nagprisinta na rin si Manoy Dison na samahan sila roon sakay ng bangka nito. Ngunit magalang na pagtanggi lang ang tugon niya.

Dumagdag pa sa bigat ng dibdib niya ang natuklasan na may naging kasintahan din doon si Jethro. Bagaman ayon kay Andeng ay matagal na raw iyon. Parang summer fling lang at hindi naman seryoso. Pero naisip niya, kung hindi seryoso bakit parang iniisip ni May Azon na may kasamang iba si Jethro? 

Iyon ang ideyang nabuo sa isipan niya nang maalala niya ang usapan kagabi sa mesa. May sasabihin sana si May Azon ngunit mabilis itong napigilan ni Manoy Dison bago pa man nakapagsalita. It pained her to think na magagawa ni Jethro na ibaling ang atensyon sa iba dahil lang may kaunti silang hindi pagkakaintindihan. Ngunit naisip niya, ganoong klase ba ng lalaki ang minamahal niya?

Tiningnan niya ang kanyang cellphone. Wala pa ring reply sa message niya.

"Chan-chan, uwi na tayo," yaya ni Andeng.

Tumayo na siya at pinagpagan ang suot na pants para maalis ang dumikit doon na buhangin. Nauuna sila ni Andeng. Paglingon niya sa kanilang likuran ay nakita niyang magkasabay namang naglalakad sina Marcy at Manoy Dison. Tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. O nagtatalo ba ang dalawa?

"Hayaan mo lang. Kanina pa ang mga 'yan," natatawang bulong sa kanya ni Andeng. "Pero may kakilala ako, sa ganyan din nagsimula." 

Tipid lang siyang napangiti. Para kasing alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

Dumiretso na sila sa malaking bahay. Dahil as usual, oras na iyon ng hapunan. She missed Jethro. At kung lilipas ang gabing iyon na hindi pa rin ito bumabalik, magpapatulong na siya sa mga naroroon para hanapin ito.

Matapos nilang kumain ay may narinig silang parang naggigitara sa labas ng bahay.

"May nanghaharana ulit?" excited na tanong ni Marcy.

Nagmamadaling nagtungo ito at si Andeng sa tabi ng bintana. Impit na napatili ang dalawa at parang mga kinilig.

"Chan-chan, halika. Bilis!" Kinawayan siya ng dalawa palapit sa mga ito.

Naririnig pa rin niya ang malamyos na tunog ng gitara. Pero bakit parang wala pang kumakanta?

Para masagot ang pagtataka niya ay dumungaw na nga siya. Atat na atat kasi ang mga kasama niya na dungawin niya ang kung sino mang nasa ibaba ng bahay. 

Napasinghap siya at natutop ang bibig nang makita kung sino ang naroroon.

"Jet."

Ako'y sa'yo, ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

"Oh, God," hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha at paninikip ng dibdib nang marinig na ang boses nito.

Ayokong mabuhay nang malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina tayo'y humiga

"Saan kaya?" ani Boogie sabay kalabit sa gitarang tinutugtog nito.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon