Pag-aalinlangan

19.9K 1K 105
                                    

Chapter Twenty-Five

MALALIM na ang gabi nang isang lalaking naka-scrub suit at face mask ang tahimik na pumasok ng silid. Saglit itong tila nakiramdam, tinitiyak na tulog na ang mga okupante ng pinasok na silid bago dahan-dahang humakbang patungo sa kama kung saan kapwa mahimbing na natutulog ang isang pareha.

Napakagandang tanawin, saloob-loob nito na napangisi sa likod ng suot na face mask. Hindi na siguro masama kung tatapusin ko ang buhay niyo sa ganito katamis na tagpo.

Inilabas ng lalaki ang isang maliit na handgun at kinabitan ng suppressor.

Hindi nito akalaing magiging ganoon lamang kadali ang trabahong ibinigay rito. Nang maikabit ang suppressor ay iniumang nito ang baril sa magkayakap na pareha. Ngunit laking gulat nito nang ang sumalubong dito ay ang paglipad ng isang baso!

"'Tang ina!" Humaging sa gilid ng mukha ng lalaki ang baso at nawala sa tamang anggulo ang asinta ng baril.

Kinabig ni Jethro si Chantal kasabay ang walang ingay na pagputok ng baril na tumama sa hospital bed. Bago pa makabawi sa pagkagulat ang estranghero ay maliksing kumilos si Jethro at kinuha nito ang flower vase sa side table at muling inihagis sa lalaki. Ang naalimpungatang si Chantal ay tila pinanlakihan ng ulo nang makita kung ano ang nangyayari!

Mabilis na sinugod ni Jethro ang lalaki nang akmang muling itututok nito ang baril sa kanilang direksyon. Malakas niyang sinipa iyon na naging dahilan ng pagtalsik ng baril mula sa pagkakahawak ng lalaki. Malutong na napamura iyon at sinangga ang suntok at tadyak na kaagad niyang pinawalan. The element of surprise is still the best tactic for an unwitting enemy. Mababaw lamang ang tulog niya kaya nang pumasok ito ay aware siya sa panganib na nakaamba. 

Sunod-sunod na suntok ang pinawalan niya. Mukhang sanay at mahusay sa hand to hand combat ang lalaki, walang makalusot sa mga atake niya rito. Umigkas ang isa niyang binti at tinuhod ito sa tagiliran. Napaigik ito. Kaagad niya iyong sinundan ng suntok. Lumagutok ang panga nito at napabiling ang mukha sa lakas ng impact. Napaatras pa ito ng ilang beses at bahagyang napasuray. Sumadsad ito sa dingding. Pasugod na sana ulit siya nang may mahagip ang lalaki sa may likuran nito at ibinato sa kanya. Nakailag siya. Kinuha ng lalaki ang pagkakataong 'yon para tumakbo palabas ng silid.

Hinabol ito ni Jethro. Muntik pang makabangga ng lalaki ang guard at nurse na noo'y patungo na sa kinaroroonan nila. Siguro ay tumawag na ng pansin ng mga katabing silid ang ingay na nagmumula roon at ini-report ang nangyayari. Nilampasan niya ang mga ito at pinilit na habulin ang lalaki. Inabutan niya iyon sa parking area. Nakalulan na iyon sa motorsiklo. Sinunggaban niya ito ngunit nagawa nitong makapiglas. Sa kagustuhan niyang hindi ito makawala ay hinagip niya ang anumang bagay na mahahawakan dito. Nahablot niya ang suot nitong mask. Bago pa niya ito muling masunggaban ay pinaarangkada na nito ang motorsiklo. Kung hindi siya nakaatras ay malamang na nadagil na siya nito. Wala siyang nagawa nang matuling tumakbo paalis mula roon ang lalaki. Ngitngit na nahabol na lamang niya ito ng tingin.

Magkikita pa tayo, gigil niyang sabi sa sarili habang mariing nakakuyom ang mga kamao.

Binalikan ni Jethro si Chantal. May kasama na itong nurse at naroroon na rin ang guard at dalawa pang lalaki roon na sa tingin niya ay may posisyon sa pagamutang iyon. Hawak na ng mga ito ang baril na naiwan ng lalaking nagtangkang pumatay sa kanila.

"Sir, puwede ho ba namin kayong mahingian ng statement sa nangyari?" anang guwardya.

"Muntik ng mapatay ang asawa ko dahil sa luwag ng seguridad niyo. Iyon ba ang gusto mong marinig?" Malamig niyang sagot dito saka diretsong nilapitan si Chantal. Nangangatal ang mga kamay nito na mahigpit na magkasalikop sa kandungan. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba kanina?"

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon