Kumander

21.6K 1.1K 292
                                    

Chapter Nineteen

THE kiss only lasted for a few seconds. But it was enough to shake the living daylights out of her. Nang bahagyang ilayo ni Jethro ang mukha nito ay may munting ngiti sa mga labi ng binata. Napakurap-kurap si Chantal. Pagkatapos ay muli siya nitong hinagkan sa noo.

"Kain na," sabi nito.

She never thought that a kiss could actually blow her mind. Akala niya sa mga romantic movies lang 'yon nangyayari. Iyong after the kiss ay mapapatulala ka na lang. And her heart, it's beating like crazy again. Nang hindi niya kaagad damputin ang kubyertos niya ay si Jethro na ang kumuha niyon at sinimulan siyang subuan. Kokontra pa sana siya ngunit wala na ring nagawa kundi ang i-open ang bibig nang itapat nito ang pagkain doon. Ipinaghimay pa siya nito ng isda. Gustong-gusto niya talaga iyon kahit matinik. Kaya naman nang mamalengke minsan sina Andeng at Marcy ay nagpabili siya ng ganoong isda. Ang binili ng mga ito ay bangus belly para raw hindi siya mahirapan pagtatanggal ng tinik.

Kumutsara ng sabaw si Jethro at hinipan iyon bago isinubo sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay siya naman yata ang namumula dahil para siyang bata na pinakakain nito. Nasa ganoon silang kalagayan nang pumasok ang doktor at nurse.

"You're recovering well, Misis. Mukhang mahusay mag-alaga si Mister," nakangiting wika ng doktor.

Namula siya sa pagtukoy nito sa kanyang Misis. Nang tingnan niya si Jethro ay nangingiti lang ito.

"Oo nga, Doc. Sana all," wika naman ng nurse.

"Simulan mo ng maghanap, Nurse Jean at baka maging extinct na ang mga katulad ni Mr. Duque. One in a million na lang ang mga kagaya niya."

"Ahm, Doc. Am I contagious?"

Nang makahulugang magpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Jethro ay napangiti ito.

"As of now, yes. Pero kung malakas naman ang immunity system ni Mister, a peck on the lips won't do him any harm."

Nakahinga siya nang maluwag. Kahit naman gustong-gusto niyang halikan si Jethro ay hindi naman niya ipakikipagsapalaran ang kalusugan nito para lang mapagbigyan ang kanyang sarili.

Hindi na rin nagtagal ang doctor at nurse at lumabas na ang mga ito.

"Kain pa at lumalamig na ang sabaw."

Dinampot na niya ang kanyang kubyertos. 

"You should eat, too. And eat some veggies."

"Opo, Nanay," nangingiting sagot nito at ipinagpatuloy na rin ang pagkain.

"Kelan ka pa nagkasakit?"

"Hindi ko na maalala. Bakit mo naitanong?"

"You don't get sick?"

"Nagkakasakit naman. Ubo, sipon. 'Yong mga pangkaraniwan na nadadala ng pag-inom ng kape."

"Gamot ang coffee?"

Natawa ito. "Biro lang, huwag mong seryosohin. Ako kasi hindi kaagad umiinom ng gamot at hinahayaan lang minsan na labanan ng katawan ko ang mga simpleng sakit. Hayun, alam yata na wala akong pampadoktor kaya kusa na lang na lumalayas."

Is that even possible?

"Minsan kasi, mind over matter. Pero madalas, kapag mahina talaga ang resistensya mo magkakasakit ka. Katulad mo, hindi ka masyadong exposed sa environment na katulad sa amin kaya ka siguro nagkasakit."

She smiled, nadagdagan na naman ang pagkabilib niya sa lalaking ito. Sa pagkakaunawa niya ay hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. At may ibang kahit nakatuntong ng kolehiyo ay hindi ganoon kahusay umunawa ng mga bagay-bagay. But with Jet, para bang lahat ng bagay na lumalabas sa bibig nito ay may kabuluhan.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon