Pulot at Gata

25.3K 1K 160
                                    

my previous update was not meant to make you feel bitin. with this, though, I hope this will make you feel sated.


Chapter Thirty

HINDI napigilan ni Chantal ang mapaungol nang humagod ang mga daliri ni Jethro sa sentro ng pagkababae niya. Hinila lamang nitong pababa ang harapan ng kanyang pang-itaas. At mula sa kanyang leeg ay bumaba ang ulo nito sa kanyang dibdib at kaagad na sinakop ang isa niyang nipple. Napaarko ang katawan niya upang lalo pang ialay dito ang kanyang dibdib. Daig pa ang isang gutom na sanggol na hinitit nito ang kanyang nipple. Salitan. Na para bang may masisipsip itong gatas doon. Nakadagdag pa sa pagdidiliryo niya ang ekspertong mga daliri nito na humahagod sa pagkababae niya. Mas lalong lumakas ang mga ungol niya.

"Jellyboo..."

"Mahal na mahal kita," bulong nito na muling hinalikan ang leeg niya at sinupil ang kanyang mga labi. 

Napayakap siya rito. Nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. It sounds so pure and sweet. Masarap marinig ang mga katagang I love you. Ngunit tila mas matamis iyong pakinggan kapag binibigkas ni Jethro sa salitang Tagalog.

Binuhat siya nito hanggang sa marating nila ang pampang. Sa liwanag ng buwan ay hinanap nila ang kanilang mga bihisan. Nakaramdam siya ng lamig. Ngunit saglit lamang iyon nang ibalot sa kanya ni Jethro ang kanyang sarong. Pagkuwa'y bahagya itong umuklo sa buhangin at tinapik ang likuran. Piggy back. Natutuwang sumakay siya sa likuran nito. Iniyapos niya ang dalawang binti mula sa likuran nito at ang dalawang braso naman ay sa leeg.

"Jellyboo."

"Hm?"

"Are you drunk?"

"Hindi. Kung lasing ako hindi na kita mabubuhat nang ganito hanggang sa bahay. Malamang ikaw ang bubuhat sa akin."

"Then make me yours tonight."

Natigilan ito. Naghintay siya ng sagot mula rito ngunit nagpatuloy na lang ulit ito sa paglalakad.

"I'm not sure if you'll be glad to know, but I'm still a virgin."

Dahan-dahang tumigil ang paglalakad nito.

"You're disappointed?"

"Hindi. Mas na parang nagulat."

"Because I grew up in the States?"

"Oo. Siguro."

"And it was okay with you?"

"Hindi naman importante sa akin kung makaranasan na o hindi ang isang babae. Ang mahalaga ay mahal ko. Katulad ng sinabi ko sa'yo dati, kapag nagmahal ako kahit sariling buhay ay ibibigay ko. Walang reserbasyon."

"Then, will you marry me?"

Natigilan na naman ito. Alam niyang nabibigla ito sa mga sinasabi niya. Maaari ring nabibilisan sa itinakbo ng mga pangyayari sa buhay nilang dalawa. Ngunit kung ito ay walang reserbasyon pagdating sa taong mahal nito, siya naman kapag tiyak na niya ang sarili ay hindi na mababali ang kapasyahan niya. She will stick to it up to the bitter end.

Nang hindi ito sumagot hanggang sa makauwi sila ay naunawaan niya ito. Bibigyan niya ito ng panahon para magpasya. Dumiretso na siya ng banyo para magbanlaw ng tubig-alat sa katawan. Hinubad niya ang lahat ng saplot sa katawan at nagbuhos. Ayaw niyang masyadong pakaisipin ang pinong kirot sa kanyang dibdib. Inabot niya ang shampoo at naglagay sa isang palad. Ikinuskos niyang mabuti iyon sa kanyang buhok at pagkatapos ay binanlawan. Nang aabutin na niya ang sabon para sa katawan ay marahang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok si Jethro.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon