Regalo

18.8K 972 208
                                    

Chapter Forty-Two

"WHAT happened to your voice?"

Napatikhim si Jethro bago sumagot sa tanong ng nobya. Hindi niya napansing may kakaiba sa boses niya.

"K-kagigising ko lang kasi. Alam mo naman ang mga bedroom voice," pabirong sabi niya.

"Are you sure? You're not sick?" puno ng pag-aalala ang tinig ni Chantal sa kabilang linya.

"Opo. Wala akong sakit. Pasensya ka na rin at tinanghali na ako ng gising. Nakalimutan kitang tawagan kagabi bago ako nakatulog sa pagod."

"As long as you're okay, no problem."

Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang nakumbinsi niya ito.

"Can I see you?"

"See me?" napamura siya, nataranta. Video call ba ang ibig nitong sabihin? Tangina! Ano ang gagawin ko?

Parang gusto niya biglang magtago sa ilalim ng kama. Oo, ganoon ang epekto sa kanya ng kumander niya. Ayaw niyang mag-alala ito. Natitiyak niyang kapag nakita nito ang hitsura niya ay mapapauwi siyang bigla. Kailangan niya munang magpahilom ng mga sugat niya para hindi siya ma-interrogate.

"Jellyboo."

"Ah, hindi pa ako paligo. Puwede bang mamaya na lang?"

"I don't care kahit hindi ka pa naliligo. Hindi naman kita maaamoy. Though I must admit, I missed your natural scent."

Parang bigla yatang nanlambot ang kanyang tuhod sa malambing na boses ng nobya. Gustong-gusto na rin niya itong makita.

"Puwede mo ba akong padalhan ng picture mo ngayon?" aniya.

"Whaaat?" hindi naman tonong galit ang boses nito. Sa katunayan ay parang natatawa ito.

"Sige na, kumander. Puwede ba? Pangako, padadalhan kita ng picture ng abs ko."

Napahalakhak ito sa kabilang linya.

"This is starting to sound kinky," sabi nito.

Napakagat-labi siya.

"Do I make you wet?" Tangina! Saan nanggaling 'yon? Bigla niyang pinunasan ang ilong at baka nagdugo.

"Your voice sounds sexy when you speak in English, jellyboo."

"Talaga?"

"Tagalang-talaga."

Siya naman ang natawa sa sagot nito. Pilipit pa rin talaga ang dila.

"Kumander, puwede bang ganito na lang muna tayo hanggang sa makauwi ako?"

"Jet, are you hiding something?"

"Bakit ba lagi ka na lang nag-iisip na may itinatago ako sa'yo? Nakakapagtampo ka naman, eh," hinaluan niya ng kaunting akting para hindi ito maghinala. Reverse psychology.

"It's not like that."

"Nakaka-excite nga ang ganito," kusang nabahiran ng paos ang kanyang boses. "Naririnig ko lang ang boses mo, nagre-react na ang manoy ko."

At hindi siya nagsisinungaling. Marami siyang nararamdamang sakit sa katawan pero mas nangingibabaw ang init na namumuo sa kanyang puson.

"Jellyboo..."

"Am I turning you on, sweetie?"

"Hm, you sound so sexy, baby."

Napamura siya. Tinungo niya ang pinto at mabilis na nag-lock. Kahit mga lalaki ang kasama niya nakakahiya pa ring mapasukan siya ng mga ito sa nakakahiyang sitwasyon. Bigla siyang nag-alala.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon