Simula ng Magpakailanman

21.1K 1.1K 278
                                    

hello po sa magagandang nilalang na ito na laging present kapag may update si Jellyboo. numerhus and ms. Che, hello raw Hiedee R. Lipit--from V, ms. Kathleen Kaye Alvarado, Tita Mai Sbm😘😘😘😘  sa mga presidente ng #teamtigang at #teamtanod na suki ng ayuda ni Mayora🤣🤣🤣🤣 Laila de Leon, Analine Fernandez Padilla at Anicka Jean Lopez. thank you so much, ladies! and to these wonderful people, Joy Delacruz, Colly Therese Felix, Brendalyn Pablo Omanglad, Fatima Mercado, Yam CiaValen, Izzy Lee Cheska Asis, EliMae Viloria, Apple Romero, Carmela Ferrer, Rhea Ruiz--ang misteryosang babae sa buhay ni Boogie, Alandra Sachia Padilla, Rosavie dela Cruz, Rizza Torres-Adlaon, Ana Paycana, Ydaneth Rodriguez, Heidee Ballocanag Llamado, Kristine Santa Cabildo, Cecille Garcia Rementilla, Lyn Delos Reyes Talisic--ang babae ni Hapon, Precious Gem San Felipe, Rhea Londres, Melona Tubianosa, Maryjean Abetong Blancada, Raquel Diaz Racky at Nikki Rose😘😘😘😘  


Chapter Sixty-Four

"HINDI puwede," iyon ang mariing sagot ni Jethro sa sinabi ng pinsang si Andeng. 

Gusto na raw nitong umuwi sa Sta. Catalina at ipagpatuloy ang sarili nitong buhay roon. Siyempre ay hindi siya makapapayag dahil alam naman niya kung anong klaseng environment ang meron doon. Mahirap bastang mamuhay na mag-isa roon ang kanyang pinsan lalo pa nga at babae.

"At bakit hindi?"

"Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Tiyo? Iniwan ka niya sa akin kaya responsibilidad kita."

"Ano ang tingin mo sa akin, limang taong gulang? Hello, twenty-eight na po ako. 'Yong iba nga wala pang disiotso anyos bumubukod na sa pamilya, ako pa kaya na malapit ng mag-expire sa kalendaryo? Huwag kang OA, pinsan."

"Hindi OA na isipin ang kapakanan ng taong malapit sa'yo. At kahit ano pa ang edad mo at kahit maging Lola ka pa, responsibilidad pa rin kita."

"Ang harsh lang, ha? Lola agad, hindi pa nga ako namamaalam sa kalendaryo."

"Ah, basta. 'Yon ang desisyon ko, tapos."

Napapadyak ang isang paa ni Andeng sa sinabi niya.

"Hindi puwede 'yang gusto mong mangyari dahil naroon ang kabuhayan ko! Dios mio, Marimar. Siguro kung below eighteen ako ay mapipigilan mo akong umalis. Pero, pinsan, bukod sa legal age na ako hindi naman makatwiran na nakikisiksik pa rin ako sa buhay mo. Oo, naroon na ako sa pamilya tayo. Na kulang na lang sa isang matris tayo lumabas para talaga maging magkapatid. Pero buhay ko 'to, panahon na para matuto akong mamuhay na mag-isa."

Nahagod niya ng mga daliri ang buhok. May punto naman talaga ang pinsan niya. At nauunawaan niya ito. Pero hindi pa rin siya komportable na hayaan itong mamuhay nang mag-isa, lalo na at sa Purok 6. Ang pugad ng mga latak ng lipunan. Doon siya lumaki at nagkaisip. Kaya alam niya, mulat siya sa mga krimeng naganap at nagaganap doon. Hindi iilang beses na nilapitan siya ng mga drug dealers para mapabilang sa mga ito. Pero dahil matuwid pa naman ang utak niya, never siyang kumagat sa alok.

"Kung ang ikinatatakot mo lang ay ang kaligtasan ko, huwag kang mag-alala. Doon tayo parehong lumaki at nagkaisip. Wala namang basta-bastang kakanti sa akin doon dahil doon na rin tayo inugatan at tinubuan ng buhok sa katawan."

Matiim niyang tinitigan ang pinsan. Iyong tingin na kulang na lang ay isailalim niya ito sa microscope.

"Magtapat ka nga sa akin, babae. May boyfriend ka na ba?"

Halos inaasahan na niya ang mataray na pag-angat ng mga kilay nito. Pero hindi iyon nangyari at sa halip ay pairap na nag-iwas ng tingin.

"Manliligaw nga wala, boyfriend pa kaya? Atsaka ano ang connect?"

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon