Sakto Lang

22.3K 1K 148
                                    

wengya, ilang beses yata akong nagpalit ng title. wala, eh. kaya heto, sakto lang talaga.


Chapter Thirty-Six

KAUSAP ni Chantal ang kanilang abogado. Binigyan siya nito ng update tungkol sa stepsister niya. May development na raw. Dahil natunton na ng mga ito ang mechanic na sumabotahe sa sasakyan ng kanyang ama na naging dahilan ng ilang aksidente nito. At iyong huli nga ay ang naging sanhi ng kamatayan nito kasama ng kanyang madrasta.

Gusto niyang pagbayaran ni Ally ang ginawa nito and at the same time, gusto niyang matapos na ang lahat ng iyon. Ayaw niyang mabuhay sa takot at pag-aalala. At higit sa lahat, gusto na niyang magsimulang bumuo ng sariling pamilya kasama ni Jethro. Kasama ang mga taong itinuturing niyang parte  na ng kanyang buhay. Marahil ay hindi masama kung pagkatapos nilang makasal ni Jethro ay sa Pilipinas na muna sila manirahan.

Yes, that would be perfect, saloob-loob niya.

"Are you really serious about this?" untag ng abogado na nagpabalik ng isip niya.

"Yes. I was hoping you could pull some strings in the US Embassy to secure my affidavit. I wanna get married ASAP."

"Why the rush? I know this is not my business, but--"

"I love him."

"Oh," iyon lamang at hindi na nagsalita pa ang may-edad na abogado. Tila kaagad nitong naunawaan ang ibig niyang sabihin. "Alright, I'll get back to you as soon as I talk to an old colleague."

"Thank you."

Hindi pa nila napag-uusapan ni Jethro kung ano ang gusto nitong kasal. Ngunit para sa kanya ay ayos lamang ang civil wedding. Hindi rin naman siya nag-i-excpect ng marangyang kasal dahil ayaw niyang ma-pressure ito na gumawa na naman ng isang bagay na puwedeng pagsimulan ng hindi nila pagkakaunawaan. Magkagayunman ay inihahanda na niya ang mga kakailanganin niyang dokumento para anumang oras na yayain siya nito ay handang-handa na siya. Um-order na rin siya ng singsing para sa kasintahan. Alam niyang posibleng magalit ito pero pangungunahan na niya ito na binili niya iyon as a wedding present. Gusto niya kasi magka-match ang mga singsing nila.

"Chan-chan!"

Mula sa hawak na cellphone ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya sina Andeng, Marcy, Boogie, at Manoy Dison. Nasa padaong na bangka ang mga ito at kumakaway sa kanya. Nakangiting kumaway rin siya. At akmang hahakbang na siya palapit upang salubungin ang mga ito nang isang braso ang pumulupot sa beywang niya. Napangiti siya nang makilala kung kanino iyon.

"Jellyboo."

Hinagkan nito ang sentido niya saka pinagsalikop ang kanilang mga palad. Sabay na silang naglakad patungo sa dalampasigan upang salubungin ang mga sakay ng bangka na galing sa pamamasyal sa nasa di-kalayuang isla. Nang umagang iyon na magising silang wala ang kanilang mga kasama ay sinabi sa kanila ni May Azon na ipinasyal ang mga ito ni Manoy Dison pagkagaling sa pangingisda.

"Gusto mo rin bang makapunta ro'n?" tanong sa kanya ng nobyo sabay turo sa natatanaw nilang isla.

Umiling siya. "Nope. But if you want, I'm okay with it."

"Baka lang kasi gusto mo ring makarating doon tulad nina Marcy."

"I'm okay. As long as we're together."

Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. At ewan kung imagination niya lamang iyon, parang may nakita siyang lungkot sa mga mata nito bago nag-iwas ng tingin at kumaway kina Boogie na bumaba na ng bangka.

"Kumusta ang pamamasyal?" tanong ni Jethro sa mga bagong dating.

"Masaya," mabilis na sagot ni Marcy na kita ang kislap sa mga mata.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon