Basta't Kasama Ka

19.3K 1K 146
                                    

Chapter Forty-Three

BUONG pagmamahal na pinagmasdan ni Jethro ang nahihimbing na kasintahan. Papaumaga na ay kausap pa niya ito sa cellphone. Wala itong kaalam-alam na papauwi na siya habang magkausap sila. Nang sabihin niya ritong baka mag-extend pa ng ilang araw ang trabaho niya ay parang maiiyak ito. Missed na raw siya nito. Parang bata ito kung maglambing. At siya naman ay parang nalulusaw ang puso.

Yumuko siya at hinagkan ito sa noo. Gumalaw ito at bumaling sa kabila.

"Nakakatampo ka talaga. Ayaw mo ba sa akin?" aniya.

Walang reaksyon. Ang lalim yata talaga ng tulog nito. Palibhasa puyat.

Maingat niyang inangat ang ulo nito at inilipat sa kanyang braso. Umayos na rin siya ng higa at kuntentong iniyapos ang braso sa beywang ng nobya. Nang ipikit niya ang mga mata ay unti-unti na rin siyang hinila ng antok.

Hindi siya sigurado kung gaano katagal siyang nakatulog. Nang magising siya ay may nagpi-piano sa kanyang mukha at may nakapatong sa kanyang katawan. Hindi niya kailangang magmulat para malaman kung sino iyon. Sa amoy pa lang nito ay kilalang-kilala niya na. Itinaas niya ang dalawang braso at mahigpit na ipinulupot iyon sa katawang nakapatong sa kanya saka isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Jellyboo...!" pumiglas ito na tila nakikiliti ngunti hindi niya ito tinigilan. Pinanggigilan niyang simsimin ang amoy nito.

"Na-missed kita nang sobra," bulong niya at sinimulan itong halikan sa leeg pataas.

"I missed you, too. But you can't distract me with your kisses, jellyboo," kumalas ito at naupo sa ibabaw niya. Ang dalawa nitong tuhod ay nakaluhod sa magkabilang tagiliran niya. "Ano ang nangyari sa mukha mo?"

Napalunok siya. Kung hindi lang talaga siya para ng masisiraan ng bait sa pagkasabik na makasama ito ay hindi muna siya uuwi at hihintayin niyang tuluyang maghilom ang lahat ng injury niya sa katawan.

"Ahm, nagkaroon ng maliit na aksidente."

"What kind of accident? Were you hurt somewhere else?" napuno ng pag-aalala ang mukha nito. 

Yumuko ito at pinaling-paling ang mukha niya para tingnan kung meron pa siyang sugat sa ibang parte ng kanyang mukha. Hindi pa ito nakuntento at kinapa ang kanyang ulo, sinuyod ng mga daliri ang kanyang anit.

"Take off your shirt."

"Now na?" nangingislap ang mga matang tanong niya. May naglalarong kapilyuhan sa utak.

"Now!"

Nagmamadali siyang kumilos at inihagis na lang kung saan ang kanyang hinubad. Mabusisi nitong sinuri ang kanyang katawan. Pinadapa pa siya para makita kung ayos lang din ang kanyang likuran. Nang makitang wala siyang kagalos-galos doon ay bumalik sila sa dating puwesto, ito habang nakaupo sa ibabaw ng kanyang tiyan.

"Ah, ayaw mo bang ipahubad ang shorts ko?"

Parang hindi siya nito narinig na inabot ang kaliwa niyang braso. May benda pa iyon bagaman kung makikita nito ang sugat niya roon ay tiyak na mag-aalala ito. Medyo hilom na ang sugat ngunit kung makikita nito iyon ay natitiyak niyang magdududa ito kung ano ang totoong nangyari sa kanya.

"Can I see it?"

Umiling siya saka marahan itong kinabig padapa sa kanyang dibdib.

"Huwag na. Ayos na rin naman at hindi na masakit."

"Are you sure?"

"Opo. Puwede bang huwag ka ng umiyak? Umiiyak ka na naman buhay pa naman ako. I-reserve mo na lang 'yan kapag bumalik ako sa'yong hindi na humihinga."

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon