Bagay Pala Tayo

18.4K 1K 74
                                    

Chapter Twenty-Two

PABABA na si Jethro ng owner type jeep nang mapansin niya ang pamilyar na mukha ng nurse na napadaan malapit sa pinagparadahan niya ng kanyang sasakyan. Hindi na sana niya iyon papansinin nang makita niya ang dalawang lalaki na pasimpleng sumunod dito. Napakunot-noo siya nang kutuban ng kakaiba sa mga ito. Holdaper?

"Miss?" tawag niya sa babae.

Kaagad naman siya nitong narinig at lumingon sa direksyon niya. Ngunit hindi nalingid sa kanya ang bahagyang pagngiwi niyon na parang naaasiwang humawak sa shoulder bag.

"H-hello po, Sir."

Mula sa mukha ng babae ay pasimpleng dumaplis ang tingin ni Jethro sa dalawang lalaki na kanina'y nakasunod dito. Dire-diretso ng naglakad papalayo ang mga iyon.

"Pauwi ka na ba?"

Mukhang nagtaka ang nurse sa tanong niya. Hinawi pa nito patungo sa likuran ng tenga ang ilang hibla ng buhok habang nag-iiba ng kulay ang mga pisngi.

"Ah, o-oho. May kailangan ho--er, may kailangan ka ba?"

"Itatanong ko lang sana kung kelan puwedeng ma-discharge ang Misis ko?"

Parang nadismaya ang mukha nito. Gayunma'y ipinaliwanag nito ang sagot kanina ng doktor kay Chantal nang mag-round iyon para tsekin ang pasyente. Na dalawa hanggang tatlong araw pa itong kailangang manatili sa pagamutan para mas matiyak ang kalusugan nito.

"Gano'n ba? Salamat."

"Walang anuman ho, Sir."

Pahapyaw niyang hinayon ng tingin ang gilid ng kalsada kung naroroon pa iyong dalawang lalaki. Ngunit parang bulang naglaho na ang mga iyon. Hindi kaya nagkamali lang siya ng hinala?

"Sige, Miss. Ingat ka sa pag-uwi."

"S-sige ho, Sir."

Iniwan na niya ang babae at parang may pakpak ang mga paang pumasok ng pagamutan. Mahigit bente-kuwatro oras pa lamang niyang hindi nakikita si Chan-chan ngunit ang pananabik niyang makita ito ay daig pa ang isang taong napawalay sa girlfriend.

Girlfriend. Parang may kumalabit sa dibdib niya sa simpleng katagang iyon.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay parang hindi pa rin kapani-paniwala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay parang hindi pa rin kapani-paniwala. Pero, oo. May kasintahan na siya slash asawa. Napangiti siya sa sarili sa isiping iyon. Na kung malalaman ng marami ay baka nasabihan na siyang ilusyonado. Masyado siyang nag-a-ambisyon na masungkit ang isang napakalaking bituin na hinahangaan at tinitingala ng mga kilalang tao sa lipunan. Gayong kung iisipin ay sino lang ba siya? Isang hamak na mekaniko at ex-con.

Mabuhay ka sa kasalukuyan, iyon ang mabilis niyang paalala sa sarili. 

Hindi niya gustong isipin ang bukas o ang hinaharap. Bawat sandaling kasama niya si Chantal, iyon lang muna ang mahalaga. Makukulta ang utak niya kung iisipin niya ang bukas. O kung ano ang gagawin niya kapag dumating na ang sandali na kailangan na ni Chantal na balikan ang buhay nito. Mabigat sa dibdib, isipin pa lang niya ang sandaling iyon. Pero anu't anuman ay ayos lang. Mag-iipon na lang siya ng masasayang alaala na kasama ito. Dahil gaya ng alam niya at pinaniniwalaan, walang kasiguruhan ang bukas. Hindi naman siya bitter na kaparis ng iba na hindi naniniwala sa forever. Maaga niya lang natutunan na huwag masyadong umasa sa happy ending. Hindi yata para sa kanya 'yon.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon