Ugat ng Kasalanan

18K 1K 132
                                    

Chapter Sixty-One

MATAPOS maglinis ng katawan at makapagbihis ng damit ay lumabas na ng kuwarto si Jethro. Inaasahan niyang nakabalik na ang asawa matapos nitong magpalamig ng ulo.

"Si Chan-chan?" tanong niya sa mga dinatnang tao sa komedor.

Naroroon na ang magkasintahang Marcy at Dison. Sina Marcy at Andeng ay naghahanda na ng mesa para sa hapunan katulong si Boogie. 

"Di ba, kayo ang magkausap kanina?" tugon ni Boogie sa tanong niya.

"Maglalakad-lakad lang daw siya sa aplaya."

"Pero gabi na," ani Manoy Dison.

Nang sabihin iyon ng pinsan ay palabas na siya ng pinto. May takot na mabilis na sumipa sa dibdib niya dahil totoong latag na ang dilim. Ngunit hindi pa bumabalik ang kanyang asawa. Ang bilin niya rito ay bumalik ito kaagad.

"Si Callous?" tanong niya sa mga ito.

"Nagkakape riyan sa labas," sagot ni Marcy.

Wala roon ang lalaki. Ngunit nakita niya ang isang tasa ng kape na umuusok pa sa ibabaw ng wood railing ng sun deck. Hindi na siya nag-abalang hanapin pa ang lalaki. Mabilis siyang bumaba ng beach house at sinuyod ng tingin ang magkabilang direksyon ng aplaya.

Mahina siyang napamura. Hindi siya sigurado kung saang direksyon ang tinumbok ni Chantal. Marahas niyang naisuklay ang mga daliri sa mamasa-masa pang buhok. Ang malakas na pintig ng puso niya ay halos magpabingi sa kanya. Alam na nila kung sino ang mastermind sa mga tangka sa buhay ng asawa niya. Hawak na rin nila ang lahat ng ebidensya na makapagdidiin dito sa korte. Ngunit hangga't wala ito sa loob ng kulungan ay hindi siya makakampante na ligtas na ang asawa niya.

Habang malikot ang mga mata na kinikilala sa paisa-isang taong naglalakad sa aplaya ang pamilyar na pigura ng asawa ay kinapa ni Jethro ang cellphone sa magkabilang bulsa. Napaungol siya sa frustration nang ma-realized na wala siyang dalang cellphone, naiwan niya sa kuwarto.

"Chan-chan!" dala ng takot at pag-aalala sa asawa ay isinigaw niya ang pangalan nito. Tila siya tulirong magulang na hinahanap ang nawawalang anak. "Chan-chaaan!"

"Jet!"

Nakilala niya ang boses nina Manoy Dison at Boogie. May dalang flashlight ang mga ito.

"Tutulungan ka na naming maghanap," wika ng pinsan. Iniabot nito sa kanya ang ekstrang flashlight na dala nito. "May cellphone ka bang dala?"

"Wala. Naiwan ko sa bahay."

"Ako, Kuya Dison, may dala ako," ani Boogie.

"Sige. Kayo na lang ang magsama, balitaan niyo na lang ako kapag nakita niyo na si Chan-chan. Tatawag din ako kina Papa para maipaalam sa kanila ang nangyari at magpadala na rin siya ng makakatulong pa."

At ganoon na nga ang kanilang ginawa. Bandang kaliwa ang tinumbok nilang direksyon ni Boogie at sa kanan naman si Manoy Dison. Bihirang puntahan sa gawing duluhang iyon maliban sa mga parehang nagdi-date ng mga alanganing oras. Batuhan kasi sa bandang iyon. Mula sa aplaya ay may pataas na trail na ang taas mula sa aplaya ay may labinlimang talampakan. Kung hindi siya nagkakamali ay may naaksidente ng mahulog mula roon isang gabing masama ang panahon. Nadulas at bumagsak sa nasa ibabang batuhan. Patay na nang madiskubre ang bangkay.

Nang maalala iyon ay parang biglang pinanlakihan ng ulo si Jethro. Nadoble ang takot na naghahari sa dibdib niya.

"Boogie, maghiwalay tayo rito. Doon ka banda, dito ako," aniya sa kababata.

"Sige. Sigaw ka lang kapag kailangan mo ako."

Tinanguan na lang niya ang kausap bago binaybay ang trail. Sa bawat sandaling lumilipas pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa pag-aalala. Nakakagalit isiping kung kelan magkasama na silang mag-asawa ay saka pa malalagay sa peligro ang buhay nito. 

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon