Patawad, Paalam

18.2K 1K 116
                                    

don't forget to save this story to your reading list😘😘

Chapter Fifty

"GOOD morning."

Napakurap-kurap si Chantal nang magisnan ang nakangiting mukha ng kanyang asawa. Inabot niya ang mukha nito at hinaplos ang pisngi.

"Did someone die?"

Mukhang nagulat ito sa tanong niya.

"Wala. Ano bang klaseng tanong 'yan? Ang aga-aga," pinisil nito ang ilong niya.

"It's because you look so sad," nakalabing sagot niya. Kahit nakangiti ang kanyang asawa ay may nasisilip siyang lungkot doon. O nagkakamali lang ba siya?

Napa-tsk lang ito saka yumuko at hinagkan siya sa labi, tila umiiwas.

"Bangon ka na. Nagluto na ako ng almusal."

"Jellyboo."

"Gusto mo bang samahan kitang maligo?" pilyong nagtaas-baba ang mga kilay nito.

"You think I would decline, baby?" inalis niya ang kumot sa kanyang katawan. Ang suot niya ay ang isa sa mga paborito nitong muscle tee. Maliban doon ay wala na siyang anumang suot sa ilalim ng manipis na tela.

Ngumisi lang ito saka yumuko at binuhat siya sa mga bisig.

When he put her down under the shower she winced. Mabuti na lamang at nakapulupot ang dalawang braso niya sa leeg ni Jethro. Kung hindi ay baka sa lapag siya nito pinulot.

"May masakit ba sa'yo?" worried na tanong ng kanyang asawa. Ipinalibot nito ang braso sa beywang niya upang maibalanse ang pagkakatayo niya.

"I'm fine."

"Sigurado ka?"

"I was just surprise, that's all," nabigla ang muscle niya kaya pag-apak niya ay tila hindi nakapaghanda sa bigat ng kanyang katawan. Para kasing may naipit na ugat sa kanyang singit na ikinawala niya ng balanse.

May pagdududa sa tingin ng kanyang asawa. Kinawit niya ito sa batok at hinalikan sa lips.

"I'm perfectly fine, don't sweat it."

Tinimpla nito ang temperature ng tubig sa shower. Ngunit ang isang braso ay nanatiling nakayapos sa beywang niya.

"Hey!" nagulat siya nang biglang bumuhos ang tubig mula sa shower. Pagkatapos ay parang batang napabungisngis nang sahurin niya ang buhos ng maligamgam na tubig. "Hmm."

Itinaas ni Jethro ang suot niya. Hinayaan niya lang ito. Sinabon nito ang kanyang katawan. Mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang mga paa. Buong ingat nitong ginawa iyon na tila siya mababasaging porcelain. He soaped her private area with extreme care and gentleness. Nang mabanlawan ang bula sa buo niyang katawan ay shinampoo naman nito ang kanyang buhok. Matapos iyon ay saka lamang ito naghubad ng lahat ng saplot sa katawan atsaka siya niyakap.

They stayed under the shower for quite a while. And no, nothing sexual happened. He just hugged her as if he didn't want to let go. Kulubot na ang mga balat nila sa kamay at paa nang pihiting pasara ni Jethro ang shower. Kumuha ito ng tuwalya mula sa towel rack at ibinalot sa kanya. Inabot nito ang isa pang tuwalya at itinapi naman sa beywang bago siya binuhat patungo sa kanilang walk-in closet.

Hinayaan niyang ito ang kumuha ng damit na isusuot niya. Ito pa mismo ang nagbihis sa kanya. Sa maikling panahon ng pagsasama nila ay alam na niyang likas na maasikaso at maalaga ang kanyang asawa. Pero sa kung anong dahilan ay may kabang bumundol sa dibdib niya sa pagiging aligaga nito sa kanya. Kaya naman habang tahimik na kinukuskos ni Jethro ng tuwalya ang basa niyang buhok ay ipinasya niyang magsalita at tanungin ito bago pa siya tuluyang lunurin ng pag-aalala.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon