Unang Umaga

19.4K 947 154
                                    

Chapter Forty-Five

PINAKIRAMDAMAN ni Chantal ang sarili. She saw blood drops on their bed when she woke up that morning. Her flesh lilies felt tender and a little sore. At gusto niyang isipin na dahil sa halos magdamag na lovemaking nilang mag-asawa kaya siya nag-bleed. Nilingon niya ang nahihimbing pang asawa. She checked his wounded arm. Naisip niya kasing baka galing doon ang ilang patak ng dugo sa kubrekama. Pero maayos naman iyon at walang senyales na may dugong nag-leak sa benda.

Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at bumaba na ng kama at pumasok ng banyo. Sa bawat hakbang niya ay hindi niya mapigilang maalala ang mapusok nilang pagtatalik ni Jethro. Damang-dama niya kasi ang ebidensya sa pagitan ng kanyang mga hita. 

My kind of delicious soreness, saloob-loob niya na nangingiti habang naliligo sa ilalim ng shower.

Nang matapos ay kumuha lang siya ng kamiseta ng asawa at cotton shorts. Naglagay na rin siya ng pantyliner sa kanyang undies bago iyon isinuot. Hindi siya sigurado kung ang blood drops na nakita niya ay palatandaang paparating na ang monthly period niya o dahil lang iyon sa excessive lovemaking nilang mag-asawa. Simula kasi ng magdalaga siya ay hindi niya mino-monitor ang cycle ng kanyang period. Pero ngayon ay kailangan niya ng i-track ang ovulation period niya para matiyak ang kanyang pagbubuntis.

Na-excite siya sa idea. Tutal nakabakasyon din lang siya at bagong kasal, hindi masama kung paglalaanan na niya ng pansin ang pagkakaroon ng anak. Nasasabik na nahaplos niya ang impis na tiyan. Ilang beses niyang sinipat ang sarili sa iba't ibang anggulo sa kaharap na full-length mirror. Imagining her pregnant self. Hindi pa nakuntento at kinuha niya ang ginamit na tuwalya at binilot iyon na parang bola saka isinuot sa loob ng suot na kamiseta. Natawa siya sa nakitang resulta. 

Sexy, puri niya sa sarili.

Biglang kumalam ang kanyang tiyan. Inayos niya ang kanyang mga pinagbihisan at lumabas na siya ng walk-in wardrobe. Surprisingly, their house has a humongous space, including their walk-in closet. Mukhang kakailanganin niyang mag-shopping nang maarami para magkalaman ang aalog-alog nilang closets. Ipapamili na rin niya ng maraming damit ang kanyang asawa. Siguro naman ay hindi ito magagalit kapag ginawa niya iyon.

Dumiretso na siya ng kusina. Isa pa sa nagustuhan niya sa bahay nilang iyon ay ang kitchen. They have ample space to cook and entertain a few guests. She must admit, she's not much of a good cook, but her husband is.

Binuksan niya ang double-door fridge at naghanap ng puwedeng kainin o lutuin nang simple lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binuksan niya ang double-door fridge at naghanap ng puwedeng kainin o lutuin nang simple lang. Prior to their wedding day ay tinulungan siya nina Marcy at Andeng na mamili ng ilang stock doon. Kaya kahit hindi sila lumabas ng isang linggo ay hindi sila magugutom.

Naglabas siya ng ham, bacon and eggs. Allergic siyang mag-prito dahil lagi siyang natitilamsikan ng mantika kaya isinalang niya sa oven ang ham and bacon. Ang apat na itlog ay inilaga niya. Nag-toast na rin siya ng apat na slice ng wheat bread. Sana pumasa na iyong almusal para sa kanyang asawa. Wala kasi talaga siyang ka-talent-talent sa pangungusina. Palibhasa siguro lumaki siyang inihahain na lamang sa harapan niya ang lahat ng kanyang kakainin. Kapag wala namang magluluto, puwede na sa kanya ang take-out. Mabuti na lamang at nakapag-asawa siya ng lalaking marunong magluto. 

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon