Chapter 01

6.9K 129 0
                                    

Veda Lia's POV

Nakayuko lang ako habang naglalakad sa mahabang hallway ng school ng biglang may tumisod sa akin kung kaya't napatumba na lang ako't halos lahat sila'y nagtatawanan ng makitang nangyari sakin dahilan ng pagkapahiya ko na naman ako.

Sa totoo lang, nakakailang school na akong pinapasukan pero lagi na lang din ako biktima ng pangbubully nila.

Nakayuko pa rin ako habang isa-isa kong pinupulot yung mga gamit kong nahulog. Nagtatawanan pa rin yung mga taong nasa paligid ko at may mga naririnig naman akong mga nagbubulungan pero hindi ko na lang sila pinansin.

Itong school na 'tong pinasukan ko ngayon ay ang huli ko ng papasukan dahil halos lahat ng school na napasukan ko ay halos binubully lang ako. At ito lang din ang exclusive school na sikat sa lahat at halos lahat ay mayayaman ang nag-aaral dito sa Stanford University.

Noon kasi ang huli kong school na pinasukan ay ang Gillford University at iisa lang din naman ang may-ari ng school na yon at ng Stanford na si Mr. Vargas. At saka parang mas sikat ata 'tong Stanford kaysa Gillford University.

Pagkatapos kong pulutin ang mga gamit ko ay tumayo na ako saka ulit yumuko at naglakad habang may naririnig pa rin akong may nagbubulungan pero hindi ko na lang ulit sila pinansin.

By the way, magpapakilala muna ako. I'm Veda Lia Ramos, 18 years old. Isa akong nerd at scholar sa kahit saang school dahil may tinataglay akong katalinuhan pero yung mga school naman na napapasukan ko ay lagi naman akong binubully dahil nga nerd ako at naiiba ako sakanila. Dapat nga rin pala ay college na ako kaso tumigil ako noon sa pag-aaral hindi dahil sa nabubully ako kundi dahil sa——Basta malalaman niyo rin kung bakit ako tumigil noon sa pag-aaral.

Lagi kasi akong may suot na bilog na malaking salamin sa mata at manang din ako kung mag-damit at isa pa...Lagi rin gulo-gulo yung buhok ko na para bang bruha sa tuwing papasok ako ng school dahil hindi naman ako nagsusuklay at nag-aayos ng sarili.

Naglalakad pa rin ako hanggang ngayon ng bigla na lang akong mapahinto sa paglalakad at napaangat ng tingin ng bigla kong mapansing may dadaan na limang lalaking naka-uniform ng black blazer at black din na pants. Mga gwapo sila pero mga mukhang maangas at mayayabang naman ang mga datingan nila. Napatabi naman ako sa may gilid dahil baka kasi mamaya kapag dumaan sila eh nakakaharang lang pala ako sa dinadaanan nila.

Napaderetso naman ako ng tingin sa lalaking nasa gitna na seryoso lang yung mukha kaso nagulat naman ako ng bigla din siyang tumingin sakin ng deretso kaya agad kong iniwas yung tingin ko sa kanila at napayuko na lang ulit.

Bigla naman akong kinabahan dahil baka magalit siya sakin dahil tinititigan ko siya kanina kaso nagulat ako ng lumapit sakin yung limang lalaki kaya napaangat ako ng ulo at tinitigan ko sila isa-isa pero mga seryoso lang yung tingin nila sakin.

Akmang magsasalita sana ako ng biglang nagsalita yung nasa gitna na seryoso pa rin yung mukha habang nakatingin sa akin."Papasok ka ba? Pumasok ka na"Seryoso niyang sabi.

"Ha?"Taka ko namang tanong.

"Ang sabi ko kung papasok ka na, yan na yung room oh"Seryoso pa rin niyang sabi saka tinuro niya ng nguso niya yung nasa likod ko kaya napalingon naman ako sa likuran ko na pintuan na pala.

Napayuko naman ulit ako at saka umatras ng tatlong beses sa may gilid para bigyan silang daan."Mauna na kayo"Napapahiya ko namang sagot dun sa lalaki habang nakayuko pa rin ako.

"Lady's first"Rinig ko namang sagot niya ngunit seryoso, napaangat ulit ako ng tingin at tinignan siya kaso seryoso pa rin yung mukha niya. Magsasalita pa sana ako kaso biglang kumunot yung noo niya kaya napatango na lang ako't saka ko na lang hinawakan yung door knob at dahan-dahang binuksan iyon.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat