Chapter 05

3K 97 1
                                    

Bryce's POV

Lunch time!

Nasa canteen kami ngayong lima habang nakapila naman yung apat sa may counter para umorder ng pagkain. Ako naman ay nasa seats lang namin nakaupo at inaantay sila.

Habang inaantay ko sila ay biglang pumasok si Veda sa canteen na nakayuko habang yakap-yakap niya yung mga librong dala-dala niya at saka naupo sa may pinakadulo sa tabing bintana.

Pinagmasdan ko naman siya na nakayuko pa rin habang dahan-dahan niyang nilalapag yung mga librong dala-dala niya at yung bag na agad din naman niyang inilapag sa lamesa. May kinuha siyang libro saka niya yon binuklat at nagbasa.

Bakit dito siya nagbabasa? Diba dapat sa may library? Hindi ba siya kakain?

Bigla ko naman naalala na ako nga palang nagsumbong kay Sir Jaime na binubully siya kanina ni Marcus kaya agad akong inutusan ni Sir Jaime na papuntahin sa office niya si Veda kanina.

Pinagmamasdan ko pa rin si Veda na nakayuko habang nagbabasa ng libro. Mayamaya pa ay may lumapit na grupo ng mga babae na siguro nasa anim sila. May hawak na juice yung isang babae at napakunot na lang ang noo ko ng biglang ibinuhos sa ulo ni Veda yung juice. Hindi naman nag-react si Veda at parang wala siyang pake kahit na binuhusan na siya nung juice.

Nagsimula naman magtawanan yung mga taong nandito sa canteen. Inis naman akong napatayo at lumapit dun sa anim na babae.

"Miss, pwede bang tantanan niyo na siya!"Inis na pakiusap ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Why?"Mataray niyang tanong sabay na napa-cross arms pa.

"Dahil mali yang ginagawa mo! Alam mo bang pwede kang gayahin ng mga ibang students dahil sa pambubully niyo sa taong wala naman ginagawa sa inyo?!"Inis na sabi ko dun sa babae na nakataas pa rin yung kilay.

"Gosh Addyson! Let's go na baka isumbong tayo"Natatakot naman na sabi nung kasama niya pero hindi naman siya pinansin nung Addyson palang pangalan.

Lumapit naman na sila Ayden, Quinn, Scott at Dylan samin habang hawak-hawak pa ni Quinn yung tray.

Tsk! Hindi manlang muna ilapag sa lamesa yung tray! Baka mamaya biglang manapak itong babae eh hindi kami makasapak!

"Anong nangyayari?"Kunot noong tanong ni Ayden pero wala naman sumagot sa kanya.

"Teka? Bakit niyo binuhusan ng juice yung kaklase namin?"Gulat na tanong ni Quinn habang hawak pa rin yung tray. Narinig ko naman na bumulong sa kanya si Ayden.

"Baka pupwedeng ilapag mo muna yang tray at baka sayo pa yan matapon?!"Nakangising sabi ni Ayden kay Quinn kaya naman agad na inilapag ni Quinn yung tray sa lamesa at tumingin ulit dun kila Addyson at sa mga kasama niya.

Napatingin naman ako kay Veda na nakayuko pa rin kaya nilapitan ko siya."Veda, ayos ka lang ba?"Nag-aalala kong tanong sa kanya pero hindi siya sumagot at tumingin lang siya sakin ng seryoso saka tumingin dun kila Addyson.

"Gawin niyo na gusto niyong gawin. Hahayaan ko lang kayo"Seryosong sabi ni Veda at agad niyang inayos mga gamit niya saka tumayo at akmang aalis na siya ng bigla siyang hawakan ni Addyson sa braso kaya napatigil si Veda habang walang emosyon na tumingin kay Addyson.

"Ang yabang mong pangit ka! Baka gusto mong lalong mapahiya ha?!"Inis na sigaw ni Addyson kay Veda.

Pinagmasdan ko naman si Veda na naka-side view sakin ngayon.

Hindi gaano matangos ang ilong niya, makapal ang labi niya pero mapula pula. Yung kilay niya naman sabog-sabog at parang hindi inaayos. At hindi gaano makinis yung mukha niya pero maputi siya at parang may mga peklat peklat din siya sa mukha.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now