Chapter 32

1.6K 60 3
                                    

Marcus Red's POV

"You date me"Seryosong sabi ko dahilan biglang lumaki ang mga mata niya. "Deal or no deal?"Dagdag ko pa pero bigla naman napataas yung kilay niya.

"Anong deal or no deal pinagsasabi mo diyan ha!? Atsaka hindi ako makikipag-date sayo!"Inis na sagot niya dahilan para mapapikit na lang ako.

"Deal, kung papayag kang makipag-date sakin. No deal, kung ayaw mo pero makikipag-date ka pa rin sakin"Deretsong sabi ko pa. Inis naman siyang napatingin sakin.

"So makikipag-date pa rin ako sayo kahit ayaw ko? Ang KAPAL ng mukha mo! Never nga ako makipag-date sayo 'no!"Inis na sigaw niya sakin. Napapikit na lang ulit ako.

Nagsinungaling lang ako sa kanya na may importante lang akong kakausapin pero ang totoo wala naman talaga akong kakausapin ngayon at gusto ko lang siya yayaing kumain sa labas at makipag-close na sa kanya kasi ako din naman may kasalanan kaya paninindigan ko.

At saka parang biglang nawala yung lagnat ko at ewan ko ba kung bakit haha. May sakit ba talaga ako kanina o sakit-sakitan lang? Hahaha!

Kaya ko siya gustong makausap at ikwento niya ang buhay niya dahil nga nung nakausap ko si Soo ay napag-usapan namin ang tungkol sa anak niyang naglayas na si Lia. Sobrang nakakapag-taka lang kasi dahil kamukhang-kamukha ni Veda si Lia.

*Throwback*

"Can I talk to you?"Biglang tanong ni Soo. Dahan-dahan naman akong napatango at bigla naman siyang sumenyas sakin na sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang maliit na kwarto.

Sumenyas naman siyang umupo ako kaya naman napatango ulit ako saka umupo."Ano po pala ang pag-uusapan natin?"Takang tanong ko. Narinig ko namang napabuntong siya saka tumingin sakin.

"Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko sayo?"Seryosong tanong ni Soo. Napalunok naman ako dahil bigla kong naalala na pinapahanap nga pala niya sakin yung anak niyang naglayas.

d>>__<<b

Layas kasi ng layas eh! Hindi niya ba alam na nag-aalala at hinahanap na siya ng daddy niya!

"P-po? Ah eh hindi pa, pero m-may kamukha si Lia na anak niyo"Sagot ko naman. Napatingin naman siya sakin ng deretso.

"Sino?"

"Kamukhang-kamukha niya po kasi si Veda..."Sagot ko ulit, napansin ko naman na biglang nanlaki yung mga mata ni Soo.

"V-Veda?"Gulat na gulat niyang tanong, dahan-dahan naman akong napatango.

"Opo, si Veda po, kamukha ng anak niyong naglayas"Sagot ko pa.

"G-ganun ba...Pwede m-mo bang alamin ang pagkatao niya?"Pakiusap na sabi ni Soo sakin na gulat pa rin ngayon. Bigla naman akong nagtaka dahil sa sinabi niya.

"Ano naman aalamin ko sa pagkatao niya? Eh Soo, ang sungit kaya 'non"Sagot ko kaso napailing-iling lang siya.

"Makinig ka muna...Alamin mo ang pagkatao ni Veda sa paraan na sabihin mong ikwento niya ang buhay niya"

"Eh paano kung ayaw niyang magkwento?"Kunot noo tanong ko.

"Edi sabihin mo na gusto mo lang makipag-kaibigan sa kanya"Sagot naman ni Soo. Napa-face palm na lang ako.

"Eh Soo, niligawan ko nga yon 'tas naging kami isang araw lang tapos...tapos nung nalaman ko na si Verra at Veda ay iisa lang, inaway ko siya at sinabi kong kaaway na ang turing ko sa kanya pero mahal ko siya at kaya ko lang naman nasabi yon dahil...Arghhh! Ewan ko ba sa sarili ko! Basta mahal ko siya"

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now