Chapter 29

1.7K 72 0
                                    

Shawn's POV

Uwian na namin ngayon at si Akuma ang susundo sakin pero wala pa siya kaya mag-aantay muna ako dito ng kahit 10 minutes. May mga students pa naman dito na nag-aantay ng mga sundo nila at yung iba naman ay nakauwi na.

Nakaupo ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga students na sinusundo ng kanilang parents, yaya at mga service nila.

Bigla naman nahagip ng mga mata ko si Jewel na nakatayo habang naka-cross arms sa 'di kalayuan. Tumayo naman ako saka lumapit sa kanya.

"Jewel? Wala ka pa bang sundo?"Tanong ko, napalingon naman siya sakin sabay napakunot noo.

"Don't talk to me!"Mataray niyang sagot, umiwas siya ng tingin sakin. Napakamot na lang ako ng ulo dahil kanila lang pinahiram niya ako ng Chemistry book niya tapos ngayon magsusungit na naman siya.

d>>__<<b

"Tsk Sungit!"Pabulong kong sabi saka bumalik na lang ako kanina sa kinauupuan ko.

Napasandal na lang ako at napapikit ng mata."Wala ka pa bang sundo?"Napamulat naman ako ng biglang may nagsalita.

Si Choi.

"Ah eh wala pa si Akuma"Sagot ko naman saka sabay napaiwas ng tingin sa kanya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na umupo siya sa tabi ko.

"Si Jewel yon diba?"Rinig kong tanong niya pero hindi ko siya sinagot."Wala pa siyang sundo?"Rinig ko pang tanong niya ulit pero hindi ko pa rin siya sinasagot.

"Alam mo bang sobrang ganda niya at maraming nagkaka-crush sa kanya? At saka kinukuha nga siyang muse kaso ayaw naman niya. And alam mo ba na sabi ng pinsan ko na may crush daw si Grant Eros Luna na nasa Stanford University na ngayon nag-aaral?"Sabi niya. Nilingon ko naman siya dahilan para mapatingin din siya sakin.

"Ah ganun ba..."Sagot ko na lang saka sabay napaiwas ng tingin sa kanya.

Mayamaya pa ay dumating na yung sundo ni Choi."Nandiyan na pala sundo ko... Alis na ako, bye!"Paalam niyang sabi saka na siya tumayo at umalis.

Napatingin naman ako sa paligid ko at mga nasa apat na lang kaming nandito. Napatingin naman ako kay Jewel na mukhang inip na inip na ngayon kakaantay sa sundo niya.

Kinuha ko na lang phone ko na nasa bulsa ng pants ko saka tinext si Ate.

To: Ate kong maganda💕

"Ate, wala pa si Akuma at saka kanina pa ako nandito... Sunduin mo naman ako at reply ka agad ASAP! *send*"

Pagka-send ko ay agad naman siyang nagreply.

"Okay. Antayin mo ako diyan...Papunta na ako"Reply ni Ate. Hindi na ako nag-reply at tinago ko na lang yung phone ko sa bulsa saka ulit napasandal.

Napatingin naman ako kay Jewel na nakatayo pa rin hanggang ngayon at halatang inip na inip na siya kakaantay sa sundo niya.

'Bakit ba kasi ayaw mong umupo?'

d-.-b

"Jewel?!"Malakas na tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin habang nakakunot noo.

"What!?"Inis na tanong niya. Tumayo naman ako saka patakbong lumapit sa kanya.

"Wala ka pa rin bang sundo? Sumabay ka na samin"Nakangiti kong sabi pero seryoso lang siya.

d>>__<<b

"Papunta na si ate"Patuloy ko pang sabi kaso bigla naman napakunot noo niya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now