Chapter 53

1.2K 47 3
                                    

Veda Lia's POV

Maaga akong nagising dahil may practice daw kami mamaya after class.

Narinig ko kasi kahapon na isang araw lang daw ang practice dahil alam naman daw ng students ng Stanford at Gillford yung sayaw.

'Eh paano naman yung mga bagong students lang na hindi alam ang steps ng sayaw?'

Anong tingin nila sa amin lalong lalo na sa akin na kabisado agad yung steps kahit isang araw lang? 'Di porket nakakasagot lang ako sa mga tinatanong nila eh sa tingin na nila pati steps ng sayaw na ipa-practice namin alam ko na!?!

d>>__<<b

Naghilamos naman ako at toothbrush pagkatapos ay bumaba na ako saka nagtungo sa kusina. Nasa kusina naman na sina Shawn, Akuma, Miks at Shin-Min na naabutan kong nakaupo na ngayon at ako na lang pala ang inaantay nila.

"Breakfast is ready... halika na Kim, kumain ka na"Nakangiting sabi ni Shin-Min kaya ngumiti naman ako at saka naupo sa tabi ni Miks.

Nagsimula naman na kaming mag-breakfast at nagkukwento naman si Shin-Min ng kung ano-ano. Alam niya rin na practice namin ngayon ng sayaw para sa party at baka siguro sa sabado yon gaganapin.

Baka siguro nakuwento rin yon ni Shawn na may party kami sa school kaya alam ni Shin-Min.

"Makakapunta po ba kayo Shin-Min sa party?"Rinig kong tanong ni Shawn kay Shin-Min pero napailing lang si Shin-Min.

"Hindi, dahil matanda na ako at hindi ko na kaya pang maglakad haha! Pero susuportahan ko naman kayong dalawa ng Ate mo at syempre si Miks ang mag-aayos sa Ate mo, samantalang si Akuma naman ay siyang mag-aayos sayo"Sagot ni Shin-Min. Nakikinig lang ako sa sinasabi niya.

"Bakit si Akuma? Ako na lang Shin-Min mag-aayos sa sarili ko. Eh baka kasi magmukha akong bakla kung si Akuma pa ang mag-aayos sakin lalo na si Jewel ka-partner ko"Rinig ko naman na reklamo ni Shawn dahilan para magtawanan sila.

Hindi naman ako natatawa dahil wala naman nakakatawa.

d-.-b

"Anong attire naman sa party niyo?"Rinig kong tanong ni Shin-Min.

"Sa girls gown daw tapos sa amin naman tuxedo"Sagot ni Shawn.

Hindi na nagsalita si Shin-Min at saka na kami nagpatuloy sa pagkain.

Time Passed!

Kakatapos ko lang maligo at sasabay ako kay Shawn ngayon pero bago akong pumasok sa Stanford ay ihahatid muna namin si Shawn sa Gillford.

Nagbihis na ako at akmang isasabit ko naman na yung bag ko sa balikat ko ng biglang bumukas yung pinto at agad na pumasok si Miks.

"Ate Veda? May ipapakita ako sayo"Nakangiting sabi ni Miks sabay na napatakbo papalapit sakin.

"Ano yon?"Takang tanong ko naman. May pinakita naman siya sakin sa phone niya.

"Maganda 'to oh! Itong pink na gown"Sagot naman niya habang pinapakita sakin yung picture nung pink na gown sa cellphone niya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon