Chapter 33

1.6K 57 2
                                    

Marcus Red's POV

Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas bumalik ulit yung dati.

d^__^b

Pero lalong masaya ako ngayon dahil nahalikan ko na rin siya at ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi at ang sarap ulit niyang halikan.

Nagda-drive ako ngayon at wala pa akong balak umuwi dahil gusto ko pa siyang makasama.

Pagkatapos mo siyang awayin manunuyo ka?

Eh hindi ko siya matiis dahil parang nako-konsensya ako sa ginawa ko sa kanya lalo na nung una ko siya nakilala. Basta mahal ko siya.

#Marupok

Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya na nakatingin lang sa may bintana ng dahan-dahan kong hawakan ang kamay niya at halikan iyon na ikinagulat naman niya.

"Saan gusto mong pumunta?"Tanong ko sa kanya.

"Ha? Ah eh uuwi na ako"Sagot niya.

"Maaga pa"Sabi ko pero napailing lang siya.

"May pupuntahan ako"

"Saan ka pupunta?"Takang tanong ko. Hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Basta"Sagot niya sabay iwas ng tingin sakin.

"Sasamahan na lang ki-----"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Wag mo na akong samahan at saka kaya ko na sarili ko"Sagot niya ulit, nagulat naman ako ng bigla niyang hilahin yung kamay niya at saka umiwas sakin ng tingin.

Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa pagda-drive.

'Kahit saan ka magpunta sasamahan kita'

Wala din naman sa usapan na maging kami pero talagang sinadya ko yun dahil hindi ko siya matiis at lalo lang ako nako-konsensya sa sinabi ko sa kanya na kaaway ang turing ko sa kanya pero ang totoo mahal na mahal ko talaga siya.

'Eh paano si Addyson? Ngayon alam mo ng si Verra at Veda ay iisa? Dahil diba paglalaruan mo lang noon si Veda at Addyson pero ngayon mukhang naiba na ang plano'

Ang gulo mo kasi Marcus eh!

d>>__<<b

Naiinis ako sa sarili ko para kasing ang bilis lang ng pangyayari parang kailan lang naiinis ako sa kanya pero ngayon ang kapal ng mukha ko para ligawan ulit siya.

Napahinga na lang ako ng malalim at saka tumingin sa kanya."Veda?"Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Ano?"Tanong niya. Napahinga na lang ulit ako ng malalim saka ko muna hininto yung kotse ko sa tabi."Ano? May sasabihin ka ba?"Napapakunot noo niyang tanong.

"Ahmmm...S-sorry"Kinakabahan kong sagot saka sabay tingin sa kanya.

"Hays! Okay lang"Sagot niya sabay iwas ng tingin sakin.

"B-bati na tayo? Okay na tayo? Hindi ka na galit sakin?"Sunodsunod kong tanong dahilan para mapatingin siya sakin.

"Hindi ko alam... Diba dapat date lang? Eh bakit nauwi tayo sa ligawan at maging tayo? Alam mo ang gulo mo kasing gulo ng buhay mo! Tsk! Dito na lang ako saka unuwi ka na at wag mo na akong susundan"Inis na naman niyang sagot at saka siya bumaba ng Lamborghini ko. Agad din naman akong bumaba.

"Teka? Akala ko ba okay na tayo? Tsk! Oo nga, tayo na, kaya magda-date tayo at saka hindi kita matiis dahil mahal kita, gaya pa rin ng dating feelings ko sayo"Mahinahon kong sabi pero napataas lang kilay niya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now