Chapter 43

1.2K 51 3
                                    

Marcus Red's POV

Sobrang boring ako ngayon at wala akong magawa dahil tinatamad naman akong
mag-cellphone at saka bigla ko rin naiisip si Veda lalo na nung nakita niya kami kanina ni Addyson.

'Sana wag siyang mag-isip ng kung ano dahil siya lang naman mahal ko at saka hindi ko naman din ginusto na bigla akong halikan ni Addyson kanina'

d>>__<<b

Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang napigilan si Veda kanina para manlang makapag-explain sa kanya at saka hindi ko rin alam na mapapadalaw pala si Addyson.

Tsk! Ang tanga mo talaga Marcus! Ewan ko ba kung saan ko nakukuha ang pagiging tanga ko eh! May utak naman ako at nakakasagot sa mga tanong pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagiging tanga.

Ipinikit ko na lang mata ko at ng imulat ko ay napahinga na lang ako ng malalim saka umupo sa kama. Kinuha ko na lang yung remote ng TV na nasa side table at saka na lang nanood.

'Bakit hindi ko agad naisip na may TV pala dito? Tsk! Tanga ko talaga!'

d>>__<<b

Nanonood lang ako ngayon kahit corny yung palabas kaya nilipat ko na lang sa ibang channel kaso ang pangit talaga ng mga palabas kaya nanood na lang ako ng basketball. Habang nanonood ako ay biglang may kumatok sa pinto pero hindi ko yon pinansin at nanood lang ako hanggang sa bumukas yung pinto kaya napalingon ako at tumambad si Bryce habang seryosong nakatingin sakin.

Tinignan ko naman siya ng seryoso pero agad din akong napaiwas sa kanya ng tingin at saka binalik na lang ang paningin ko sa panonood ng TV.

'Ano naman ginagawa niya dito?'

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"Seryoso kong tanong ng hindi nakatingin sa kanya. Narinig ko naman na sinara niya yung pinto at nakita ko naman sa gilid ng mata ko na lumapit siya sakin.

"Sinong gumawa sayo nito? Mga Gangster ba na mainit ang dugo sayo?"Rinig kong seryoso niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya saka sabay na ngumisi.

"Pumunta ka lang ba dito para inisin ako?"Nakangisi kong tanong saka napaiwas ulit ng tingin sa kanya.

"Hindi pang-iinis yung sinasabi ko sayo, Marcus. Kaya ako nagsasalita para tanungin ka at para tulungan ka"Seryoso naman niyang sagot dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya.

'Anong tulong pinagsasabi nito?! Hindi ko kailangan ng tulong na kahit na sino o kaninong tulong!'

"Ano naman itatanong mo? At anong tutulungan ang sinasabi mo ha?!"Biglang inis na tanong ko. Napansin ko naman na napapikit siya pero agad din napamulat at seryosong tumingin sakin pero nagsalita ulit ako. "Dapat nga ikaw yung tinatanong ko diba?"Dagdag kong sabi. "Bakit ikaw ang nagligtas kay Veda?"Biglang seryoso at inis kong tanong.

"Bakit gusto mo ikaw ang magliligtas sa kanya? At gusto mo ikaw ang magpaka-hero kahit na nasa ganito kang sitwasyon ngayon? Na kahit nasa ganitong kalagayan ka, nasa hospital ka? Kung gusto mo siya iligtas sana noon pa lang ginawa mo na!"Inis na sagot niya sakin at hindi naman agad ako nakapag-salita.

"Sana kung naawa ka lang sa kanya noong binubully siya dahil sayo at dahil sa kagaguhan mo edi sana hindi siya napapahamak! Alam mo? Ikaw mismong nagdadala sa kapahamakan sa kanya. At itong tanong ko naman sayo...naawa ka ba sa kanya noon kung naaalala mong sinapak mo siya ha?! Hindi mo alam nung nakita ko siya noon na umiiyak dahil sayo! Tapos ngayon sasabihin mo na bakit ko siya niligtas? Kaya ko lang naman siya niligtas dahil nasa pahamak siya at hindi ko kayang mapahamak siya dahil higit sa lahat... Mahal ko siya!"Seryoso ngunit galit niyang sabi kaya bigla na lang ako natulala.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora