Chapter 28

1.6K 63 0
                                    

Shawn's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang Library para maghanap ng babasahin at saka sa library talaga akong madalas tumambay.

"Shawn?"

Napalingon naman ako sa likuran ko ng biglang may tumawag sakin at si Avery Choi Dimacali pala na kaklase ko at may crush sakin hehe.

d^__^b

"Uy, Choi ikaw pala"Sabi ko at ngumiti naman siya saka lumapit sakin.

Maganda si Choi at mukha siyang Koreana saka may katangkaran din siya kaya maraming nagkaka-crush sa kanya dahil na rin sa mahinhin at mabait siya.

"Saan ka pupunta?"Nakangiti niyang tanong. Ngumiti rin ako.

"Ah sa may library lang hehe"Sagot ko, napatango-tango naman siya.

"Ganun ba? Doon din kasi ako pupunta dahil magbabasa ako ng books tungkol sa Science"Sabi niya kaya napatango na lang ako.

"Ah okay hehe...Tara!"Sagot ko ulit at sabay na kaming naglakad.

Habang naglalakad kami ay nagkukwento siya tungkol sa mga napag-aaralan namin at kung ano-ano pa.

"Ahmmm Shawn, may tanong ako sayo?"Tanong niya, napatingin ako sa kanya pero agad rin napaiwas.

"Ano yon?"Takang tanong ko.

"May gusto ka ba kay Jewel?"Tanong ni Choi na ikinagulat ko.

Ano daw?

"Ha?"

"Ang sabi ko kung may gusto ka kay Jewel?"Ulit niyang tanong dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Saan mo naman nakuha yang salita na yan? Ako may gusto kay Jewel? Jewel Acosta?"Sunodsunod kong tanong. Napahinga naman siya ng malalim.

"Oo, si Jewel Acosta. May ibang Jewel Acosta pa ba dito?"Tanong ni Choi na parang naiinis pa. Napapikit na lang ako.

Si Jewel Acosta na suplada? Si Jewel na kapag tumingin ka lang iirapan ka pa? At si Jewel na kapag binabati hindi namamansin?

Eh paano ko magugustuhan yon eh ang sungit 'non?!

d>>__<<b

Napamulat ako ng mata saka deretsong tumingin kay Choi.
"Wala akong gusto kay Jewel"Deretso kong sagot. Nagulat naman ako ng biglang napataas yung kilay niya.

"Wala kang gusto? Eh bakit sa tuwing dadaan lang siya lagi kang nakatingin sa kanya? Tapos nakangiti ka pa?"Sunod-sunod na tanong ni Choi habang nakataas pa rin ang dalawang kilay.

WHAT THE!!! Kailan naman ako tumingin kay Jewel na nakangiti pa?!

d>>__<<b

"Teka? Ano bang pinagsasabi mo?"Kunot noo kong tanong. Napahinga naman siya ng malalim.

"I'm okay Shawn, but pwede mo bang sabihin kung may gusto ka kay Jewel?"

"Wala"

"Wala? Eh bakit parang gusto mo siya?"Tanong niya pa.

Hays!

d>>__<<b

"Look...Choi, bakit ka ba ganyan magtanong na kala mong may tayo? And sa totoo lang, wala pa nga sa isip kong magka-crush or magka-girlfriend. Nagseselos ka ba?"Kunot noo kong tanong kaso bigla naman nanlaki ang mga mata niya.

"What the heck Shawn!!! Bakit naman ako magseselos eh tinatanong lang naman kita kung may gusto ka kay Jewel?!"

"Tsk! Wala nga akong gusto kay Jewel Acosta at saka alam ko naman na may crush ka sa akin kaya ka nagkaka-ganyan"Inis kong sagot kaso hindi naman agad siya nakapagsalita.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now