Chapter 19

1.8K 67 0
                                    

Marcus Red's POV

"Alam mo kahit na pagtabuyan mo ako at kahit na lagi mo akong sinusupladahan hinding-hindi pa rin ako aalis sa tabi mo dahil... dahil mahal kita"Seryoso kong sabi dahilan para matulala siya.

Pinagmasdan ko naman siya habang tulala pa rin siya. Maamo ang mukha niya. Maganda ang mga mata. Makinis ang mukha at maliit na parang mukha ng manika. Matangos rin ang kanyang ilong at mapula-pula naman ang kanyang pisngi at labi.

Napatingin naman ako sa labi niya. Mapula-pula ang lips niya. Napapalunok na lang ako.

d>>___<<b

Wag mo ng pangaraping halikan yan dahil baka bigla kang sampalin na naman!

Ang sakit kaya nung pagkasampal niya sakin parang matatanggal yung pisngi at ulo ko!

d>>____<<b

Pero kahit na sinampal niya ako ng malakas noon at kung sasampalin man niya ulit ako okay lang.

Mahal ko naman siya hehe.

d^___^b

"Ahmmm M-Marcus"Natauhan naman ako ng bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya ng deretso."D-diyan ka lang hahanapin ko lang yung kapatid—Este yung alaga ko hehe"Paalam niya kaya napatango na lang ako. Tumayo na siya saka lumabas.

Tumayo na rin ako saka inayos mga gamit ko.

Kaya pala ayaw niya akong papuntahin dito dahil may bisita pala siya. Yung anak ng amo niya.

Pero teka? Saan siya namamasukan? At saka bakit pa siya nag-Yaya eh hindi naman bagay sa kanya maging Yaya dahil ang ganda kaya niya?

d>>__<<b

Inaayos ko pa rin mga gamit ko ngayon ng biglang bumukas yung pinto kaya napahinto ako sa pag-aayos at pagliligpit sa mga gamit ko saka napalingon kay Verra na pinapagalitan ngayon si Shawn.

"Ikaw talaga! Saan ka ba nagpupunta ha!? Gusto mo bang ma-kidnap diyan?! O baka gusto mong ibenta yang mga lamang loob mo!? Saan ka ba kasi galing ha?!"Sigaw ni Verra kay Shawn. Napatingin naman ako kay Shawn na biglang tumawa ng malakas.

d>>___<<b

"Ang O.A. mo naman ate—–Ah! Yaya eh! Walang mangyayari sakin 'no! Baka sayo meron bwahahahaha!-----Aray!"

"Walang mangyayari sakin dahil kaya ko ang sarili ko 'no!"

"Kaya? Weh? Bwuahahahahaha! Eh sa ipis nga lang takot ka na lalo na kapag ginapangan ka nagsisigaw ka nga at pinapapatay mo pa sakin haha"

"Tsk! Ewan ko sayo! Saan ka nga kasi nagpunta? Sagutin mo kasi ang tanong ko!"

"Diyan nga lang ako galing. Bumili ako ng snacks oh, kahit na wala kang TV mag-snacks tayong tatlo"Sagot ni Shawn sabay lapag ng tatlong supot sa lamesa na puro junk foods.

Napatingin naman ako kay Verra na napapikit na lang at nung idilat niya yung mata niya nagulat ako ng magkatitigan kaming dalawa ng 5 seconds pero agad din siyang umiwas sakin at ganun din ako. Para namang na-magnet yung mata ko sa mata niya at hindi na mawala sa isip ko ang napaka-ganda at pamilyar niyang mga mata.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon