Chapter 50

1.2K 45 0
                                    

Veda Lia's POV

"Veda!? Veda!? Gumising ka!"Naalimpungatan naman ako ng marinig kong may sumisigaw habang tinatawag yung pangalan ko at pagkakita ko ay si Marcus pala na nagpa-panic kaya agad akong napabangon.

"Anong nangyayari--------Bryce!?"Nagulat ako ng makita kong nanginginig si Bryce habang nakaupo sa may upuan.

"Anong nangyari kay Bryce?!"Nagpa-panic kong tanong kay Marcus.

"Hindi ko alam eh kasi nung nagising ako nanginginig na siya"Agad na sagot ni Marcus kaya naman napasapo ako sa noo ko.

Hinipo ko naman noo ni Bryce saka leeg at...SOBRANG INIT NIYA!!!

"Nilalagnat si Bryce!"Napasigaw kong sabi kaya agad kong niyakap si Bryce dahil mukhang giniginaw siya habang nanginginig.

"Bakit mo siya niyayakap?"Rinig kong tanong ni Marcus kaya napatingin ako sa kanya.

"Giniginaw siya eh! Mamaya ka na magselos diyan! Teka? Sandali lang ah! Hihingi lang ako tulong sa Nurse, babalik din agad ako"Sagot ko at paalam kay Marcus. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya dahil agad na akong lumabas ng kwarto at saka nagpunta sa Nurse Station para humingi ng tulong.

"Nurse! Nurse! Tulungan niyo ako!Yung kaibigan ko inaapoy ng lagnat! Nasa room ni patient Vargas!"Nagpapanic kong sabi.

"Okay po, Ma'am!"Agad na sagot nung Nurse at saka nagpunta sa kwarto kung saan nandun si Marcus at Bryce.

Napatakbo naman akong sumunod sa Nurse at nung nakapasok ako sa kwarto ay nakita kong chine-check na nung Nurse si Bryce.

"Ma'am, confine na po natin siya"Sabi nung Nurse sakin kaya agad akong napatango. "Kukuha lang po ako ng wheelchair"Dagdag pang sabi nung Nurse.

"Sige ho, maraming salamat"Sagot ko na lang at saka na lumabas yung Nurse. Lumapit naman ako kay Bryce at saka ko ulit siya niyakap.

"Bakit pa kasi dumeretso pa siya dito eh nilalagnat na nga siya?"Tanong ko sa sarili ko.

"S-Sinabi kong pumunta siya dito ng umaga kaso tanghali na siya dumating. Hindi ko naman alam na nilalagnat na pala siya"Rinig kong sabi ni Marcus kaya napatingin ako sa kanya.

"Bumili pa nga siya ng pagkain yung dala niya kanina...Sabay pa nga kaming kumain eh"Dagdag na sabi ni Marcus.

"Tsk! Pareho na tuloy kayong naka-confine ngayon sa hospital"Sabi ko at napansin kong napabuntong lang siya.

Mayamaya pa ay dumating na rin yung Nurse na may dalang wheelchair atsaka lumapit kay Bryce. Tumingin naman sa akin yung Nurse.

"Isasakay ko na po yung patient"Mahinahong sabi nung Nurse. Napatango lang ako at saka bumitaw sa pagkakayakap kay Bryce.

May dumating naman na isa pang Nurse at saka nagtulungan silang isakay si Bryce sa may wheelchair at saka lumabas.

"Sandali lang, susundan ko"Paalam ko kay Marcus. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya dahil agad na akong lumabas at sinundan yung dalawang Nurse habang tinutulak nila sa may wheelchair si Bryce.

Dinala naman sa kabilang kwarto si Bryce at doon na nila nilagyan ng suwero. Bigla naman ako nakaramdam ng awa kay Bryce dahil ang putla niya ngayon habang nakapikit ang mga mata niya at nakahiga sa kama.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now