Chapter 02

3.9K 91 0
                                    

Marcus Red's POV

Welcome back to our own school Marcus Red Vargas! At siguraduhin mong magtitino ka na! Kundi lagot ka kay Lolo Jaime!

d-.-b

Kagagaling ko lang ng Korea at kakauwi ko lang kahapon pero agad na akong pinapasok ni Daddy at Mommy ngayon dahil gusto daw akong makita ni lolo na siya talagang nagmamay-ari ng dalawang school at ng hospital na ito, saka doon din ako nag-stay ng almost 2 years sa Korea pero pinauwi na ako ni daddy dahil nakarating kay lolo yung kalokohan ko na hindi pa rin ako nagtitino dahil pati sa Korea nangbu-bully ako at ang alam ni lolo ay ako lang ang nangbubully pero ang hindi niya rin alam ay pati mga kaibigan ko kasama sa kalokohan ko.

Ang pangbu-bully kasi namin ay ginagawa lang namin para pagtripan yung mga students para hindi kami mahalatang mga gangster dahil isa kaming mga gwapong nilalang na gangster na pinanganak sa mundo!

Yeah!

d^__^b

Whews!

d-.-b

At isa pa, kami rin ang may-ari ng Stanford University at Gillford University. Ang pagkakaalam ko ay maraming bullies sa Gillford kaysa Stanford na kilalang sikat at exclusive school.

Nakasakay ako ngayon sa mamahalin kong kotse na Lamborghini na regalo sakin ni Daddy noong 15th birthday ko at yun ay ang bago ako ipatapon ni Dad sa Korea dahil nalaman niyang nangbu-bully ako.

Bumusina naman ako para buksan nung Guard yung gate ng Stanford kaso hindi naman binuksan ng guard yung gate at lumapit pa siya sa may bintana kaya naman inis kong binaba yung bintana ng kotse ko.

"Good morning po, Sir?"Bati nung guard pero hindi ko siya pinansin.

"Buksan mo yung gate"Seryoso kong sabi ng hindi nakatingin sa Guard na yon.

"Ah eh sir... Bawal po kasi kaming magpapasok ng hindi muna nagpapakilala——"Inis ko naman siyang nilingon at tinanggal ko yung suot kong sunglasses kong mamahalin na Maui-Jim.

"Hindi mo ba ako kilala ha?!"Inis na sigaw kong tanong sa Guard at nakita ko naman na para siyang natakot sa pagsigaw ko sa kanya."Ako lang naman si Marcus Red Vargas! Ang anak ni Manuel Reed Vargas at Marceline Lee Vargas at ang kapatid ni Dra. Miles Gaia Vargas at ang apo ni Jaime Vargas! At kami ang nagmamay-ari nitong Stanford at Gillford University saka ng StanGillford Hospital!"Inis na sigaw ko pa rin sa gunggong na guard na 'to.

Napayuko at parang napahiya naman 'tong gunggong na guard at dali-daling umalis para buksan yung gate, kaya naman pinaandar ko na yon pero huminto muna ako saglit at inis ko pa rin tinignan 'tong gunggong na 'to.

"Tandaan mo 'tong gwapo kong mukha ha?!"Sigaw ko ulit sa Guard at paulit-ulit naman siyang napatango at humingi ng sorry.

Sinuot ko na ulit yung sunglasses ko at saka ko na ulit pinaandar yung kotse ko saka tuluyang pumasok sa loob ng Stanford. Pinark ko na yung Lamborghini ko sa parking lot ng Stanford University at saka lumabas ng kotse ko. Akmang kukunin ko na yung phone ko sa may bulsa para tawagan yung apat na ugok na mga kaibigan ko ng biglang may humipan sa tainga ko dahilan para magulat ako at muntik-muntikan ko ng mabato yung cellphone ko! At pagkalingon ko naman ay tawang-tawa ang apat na ugok dahil sa pang-gugulat nila sa akin.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon