Chapter 41

1.3K 45 1
                                    

Marcus Red's POV

"Doc? Kamusta na po kalagayan nila?"

"Maayos naman na yung kalagayan ni Mr Vargas at Mr Enriquez. Nabugbog lang kaunti si Mr Vargas at si Mr Enriquez, naman ay pagkatapos siyang mahataw sa likod ay nawalan lang ng malay and look... Mukhang nanaginip pa nga oh hahaha"

Dahan-dahan akong napamulat ng mata ng bigla kong marinig na may nagsasalita sa tabi ko at nung nakaaninag na ako ay agad kong inilibot ang paningin ko at nakita ko si Ayden at Dylan na kausap yung Doctor. Napalingon naman ako sa tabi ko at nakita ko naman si Quinn na nakahiga rin sa kabilang kama na parang nanaginip pa.

d>>__<<b

Umiwas na lang ako ng tingin kay Quinn at dahan-dahan akong napatayo kaso napahiga ulit ako dahil ang sakit ng katawan ko lalo na yung sa bandang tagiliran ko.

"Oh hijo? Hindi ka pa okay kaya wag mo bigla-biglain ang katawan mo"Rinig kong sabi nung Doctor pero hindi ko siya pinansin. Bigla naman lumapit si Ayden at Dylan kay Quinn. Mayamaya pa ay dumating naman sina Eros, Dean, Kyle at Chase.

"Red? Anong nangyari sayo? Sinong gumawa sayo nito? Bakit ka nila sinaktan?"Sunod-sunod na tanong ni Eros.

'Tsk O.A!'

"Hindi ko alam"Walang gana kong sagot. Napansin ko naman napapikit si Eros saka tumingin sakin ng seryoso.

"Anong hindi mo alam? Dapat alam mo kung sinong gumawa sayo niyan diba?"Seryoso habang kunot noo na sabi ni Eros. Napatingin naman din ako sa kanya ng seryoso.

"Tsk! Hindi ko nga alam diba?"Inis na sagot ko saka napaiwas ng tingin.

"Tsk! Hindi mo ba ako maintindihan? Ang tinatanong ko kung sino ang gumawa sayo para saktan ka!"Inis na sabi ni Eros kaya napatingin ako sakanya habang naiinis din.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi!  Dahil sabi ko, hindi ko nga alam kung sinong gumawa sa akin nito!"Inis na sagot ko. Akmang magsasalita naman siya ng biglang may pumasok at nagulat naman ako dahil si Ate Gaia pala.

"Good afternoon, Dra. Gaia Vargas"Bati nung Doctor na kausap kanina ni Ayden at Dylan. Tinanguan naman siya ni Ate.

"Good afternoon, din ho Dr. Rafael Lim"Bati ni Ate dun sa Doctor na si Dr. Rafael Lim pala.

d>>__<<b

Mayamaya pa ay nag-paalam at umalis na si Doctor Rafael, lumapit naman sa akin si Ate na biglang napamewang.

"Anong nangyari sayo ha?! Ayan! Mang-bully ka pa! So ano? Nakahanap ka siguro ng katapat mo 'no?!"Masungit na sabi ni Ate pero hindi ko siya pinansin.

'Hindi na nga ako nangbu-bully eh!'

"Papunta na sila Mommy at Daddy dito kaya umayos ka sa isasagot mo sa kanila"Masungit pa rin na sabi ni Ate kaya napatingin naman ako sa kanya habang naiinis.

"Tsk! Wag ka ngang magsungit diyan! Hindi bagay sayo!"Inis na sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Alam mo, dapat gumalang ka sa mas nakakatanda sayo! At hindi rin bagay sayo na maging masungit dahil lalo kang pumapangit. Buti nagustuhan ka pa ni Veda, yung babaeng maganda"Masungit pa rin na sabi ni Ate. Bigla ko naman naalala si Veda kaya napatingin ako kay Quinn at ganun din kina Ayden at Dylan.

"Nasaan si Scott?"Takang tanong ko. Nagkatinginan lang silang dalawa. Napapikit na lang ako pero agad kong minulat mata ko at muli ko silang tinanong.

"Nasaan si Scott at Bryce?"Tanong ko pa, pero nagkatinginan ulit silang dalawa saka tumingin sakin pero si Dylan ang sumagot.

"Naiwan si Scott sa Stanford para alamin ang nangyari sainyo ni Quinn. Si Bryce naman...Hinahanap si...si..."

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now