Chapter 39

1.4K 57 0
                                    

Bryce's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom ng biglang may marinig akong sumisigaw kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakatayo lang ako sa di-kalayuan sa kanila.

Yung tatlong babae inaaway si Veda. "Sa tingin mo uubra ka sakin ha!? Wag kang mayabang! Dahil hindi uubra yan di-------"Malakas na sigaw nung Sam kay Veda at itinaas niya yung kamay niya at akmang sasampalin si Veda ng bigla akong napatakbo at saka ko hinawakan yung kamay ni Sam.

"Bitiwan mo nga ak------"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita habang hawak ko ng mahigpit yung kamay niya.

"Subukan mo lang siyang saktan at baka gusto mong mapatalsik ka dito?!"Seryoso kong sabi kay Sam. "Bitiwan mo siya"Seryoso ko pang sabi saka sabay na napatingin kay Veda.

"Hindi ko hahayaang saktan ka ng mga 'to at kahit na sino hindi ka pwedeng saktan"Seryoso at deretso nakatingin kong sabi kay Veda. Nakita ko naman na napalunok siya at mayamaya pa ay binitawan na siya ni Sam sa kamay.

Binitawan ko naman na yung kamay ni Sam at saka ko hinawakan yung kamay ni Veda na ikinagulat naman niya. Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid at saka tumingin sa kamay namin na magkahawak.

*Tug*Dug*

Napansin ko naman na napatingin din siya sa kamay namin na magkahawak at dahan-dahan naman siyang napatingin sakin.

"Kahit na sino hindi ka na nila pwedeng saktan dahil...nandito lang ako"Seryoso kong sabi habang nakatingin ng deretso sa kanya.

Binitawan ko na yung kamay niya pero tulala lang siya nakatingin sakin."S-sumabay ka na sakin"Sabi ko pa sabay napaiwas ng tingin. Natauhan naman siya at saka napatango.

Tumalikod na ako saka nagsimulang humakbang pero nakaka-tatlong hakbang pa lang ng mapatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

Hindi siya nakasunod sakin at nakatayo lang siya habang tulala na naman sakin.

d>>__<<b

"Veda?"Tawag ko sa kanya at natauhan naman siya kaya sumunod na siya sakin.

Sabay na kaming naglakad hanggang papunta sa classroom namin. Habang naglalakad kami ay napapasulyap ako sa kanya habang deretso lang naglalakad. Ngayon ko lang napansin na suot na pala niya yung uniform at sobrang bagay sa kanya.

d*o*b

Bigla naman ako natutulala sa kanya sa tuwing susulyapan ko siya dahil sobrang amo ng mukha niya at makinis saka maputi. Mahahaba ang mga pilikmata niya at matangos ang ilong. Straight din ang mahaba niyang buhok. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya ng biglang...

"A-aray!"

Natisod ako at sumudsod yung nguso ko dahilan para dumugo ito.

d>>__<<b

"OMY!!! BRYCE?!! Ayos ka lang ba?"Gulat at nag-aalalang tanong ni Veda, agad naman siyang lumapit sakin saka ako inalayang tumayo. Nang makatayo na ako ay pinagpagan ko naman yung pants ko at kamay ko.

"Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari? May masakit ba sayo?"Sunodsunod niyang tanong, napansin ko naman na napapatakip pa siya ng bibig na parang gulat at nag-aalala pa rin.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now