Chapter 38

1.3K 51 0
                                    

Veda Lia's POV

Maaga akong pumasok sa bar ni Madam Carol dahil ang boring naman sa condo ni Goku.

d>>__<<b

Atsaka ayaw ko naman talagang tumambay dun kaso itong bwesit na Goku na 'to doon pa ako dinala eh dapat umuwi na sana ako.

"Ang aga mo naman ata?"Rinig kong tanong ni Madam Carol kaya napatingin ako sa kanya. Nagpupunas kasi ako ngayon ng mga baso.

"Ahmmm wala naman ho kasi akong gagawin sa bahay"Sagot ko naman saka ulit pinag-patuloy ang pagpupunas sa baso at umiwas sa kanya.

"Ganun ba? Ah Belinda, baka papasukin na lang kita ng Saturday at Sunday para makapag-focus ka sa pag-aaral"Sabi ni Madam Carol kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"K-kaya ko naman ho pagsabayin
ang pag-aaral at pagtatrabaho ko"Sagot ko naman sabay iwas ulit ng tingin.

"Belinda, ayos lang naman kung sa sabado at linggo ka na lang pumasok dahil mas maraming tao kapag ganung araw"Sabi na naman ni Madam Carol, napatingin at napatango na lang ako sa kanya.

Umalis na si Madam Carol habang patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng mga baso.

Sabagay may point din naman siya. Mas importante kung may pinag-aralan ka.

Habang patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng baso ay biglang nag-ring yung phone ko na nasa bulsa ng pants ko. Kinuha ko naman yon at tinignan kung sinong tumatawag sakin kaso napapikit na lang ako sa inis dahil si Goku pala ang tumatawag.

Hindi ko yon sinagot at pinatay ko lang yung tawag niya kaso nag-ring ulit pero pinatay ko ulit. Bigla ko naman naalala na binigay ko nga pala yung number ko sa kanya.

d>>__<<b

Nilapag ko na lang sa may lamesa yung phone ko at nagpatuloy na ulit sa pagpupunas ng mga baso kaso biglang may nag-text at alam kong si Goku yon kaya binasa ko na lang yung text niya.

From: Goku
"Tinatawagan kita pero bakit hindi mo sinasagot? Kaya tinext na lang kita kaya mag-reply ka! ASAP!"

Hindi ko siya nireplyan at patuloy pa rin akong nagpupunas ng baso ng biglang nag-text ulit siya.

"Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita"

Hindi ko ulit siya nireplyan at hindi ko naman sasabihin na nagta-trabaho ako dahil ayaw ko ng abala tulad ni Goku.

d>>__<<b

Pagkatapos kong punasan yung mga baso ay tinulungan ko naman yung mga staff ni Madam Carol sa pag-aayos ng upuan.

Nasa counter pa rin ako at waitress saka taga-lista ng mga ino-order ng customer. Busy ako ngayon dahil medyo ma-tao ngayon at nung oras na ng pagsasara namin ay nag-c.r muna ako para magpalit ng damit dahil nagdala ako ng extrang T-shirt dahil amoy usok ng sigarilyo ang damit ko.

Nang matapos akong magpalit ng damit ay napayuko muna ako dahil may kukunin sana ako sa bag ko ng bigla akong nauntog sa may pinto ng c.r kaya napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa sakit ng bigla ko na naalala yung nangyari kagabi ng malasing ako.

*Throwback*

Kakasara lang ng bar ng dumeretso muna ako sa may 7 eleven para bumili ng limang in can beer para naman makatulog ako pagkauwi ko mamaya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ