Chapter 11

2.2K 51 1
                                    

Bryce's POV

Naka-motor akong pumunta kila Marcus dahil may pinapasabi si Sir Jaime kay Marcus at alam kong nauna ng umuwi yon kaya siguradong nasa bahay na nila yon.

Pinapasabi kasi ni Sir Jaime na may dinner daw sila mamaya at saka sasabihin naman dapat ni Sir Jaime yon kay Marcus kaso itong ugok na 'to biglang nawala na lang kaya ayun ako ang inutusan ng Lolo niya na ipasabing may dinner sila.

Nakapasok na ako ngayon sa Exclusive Village nila Marcus at pupunta na ako ngayon sa bahay nila ng bigla akong napa-preno ng malakas dahil may biglang tumawid na napaka-gandang babae.

"Ay kalabaw!"Napasigaw siya dahil sa gulat kaya agad akong bumaba sa motor at lumapit sa kanya. Hindi naman siya natumba kundi nagulat lang. Syempre gentleman ako at bigla akong nag-alala sa kanya na baka nasaktan siya.

"Ah eh Miss s-sorry... N-nasaktan ka ba? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba?"Sunodsunod kong tanong at napansin ko namang natulala siya sakin.

Baka na-O.A'han sayo! Wag ka kasing O.A.!

"Pasensya ka na ta-----"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang ngumiti.

Ako naman ngayon ang natulala sa kanya dahil sa napaka-gandang ngiti niya.

"Ayos lang hehe... Nagulat lang ako"Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong natauhan.

"Ah okay... Pasensya ka na talaga hehe... A-ako nga pala si Bryce Aguas"Pakilala ko sabay lahad ng kamay.

"Ved----Verra hehe"Pakilala niya. Napatango tango na lang ako. Tinanggap naman niya yung kamay ko at nag-shake hands kami.

"May tanong pala ako?"Tanong niya bigla.

"Ano yon?"Tanong ko rin naman. Napalinga-linga naman siya sa paligid at saka tumingin sakin.

"A-alam mo ba ang palabas dito?"Tanong niya. Napatango naman ako.

"Oo, pero malayo pa yung labasan dito... Teka hindi ka ba taga-rito?"Takang tanong ko pero napailing lang siya.

"Hindi eh... May hinahanap lang kasi ako... Geh, aalis na ako"Sabi niya at akmang tatalikod na siya ng magsalita ako.

"Sumabay ka na sakin. May sasabihin lang ako sa pupuntahan ko"Sabi ko. Napansin ko naman na napaisip siya at saka napatingin sakin. Sumakay naman ako sa motor ko.

"Sabay ka na baka maligaw ka pa dito eh ang laki kaya ng village na 'to"Sabi ko pa habang ini-start ko yung motor ko.

"Sige, sasabay na lang ako sayo"Sagot niya at akmang aangkas na sana siya ng bigla namang sumulpot si Marcus.

"Oh Marcus? I-ikaw pala"Gulat kong sabi pero biglang nagsalubong yung kilay niya.

Ano na naman ba problema ng ugok na 'to!?

Nakita ko naman na napatingin siya kay Verra."Sakin ka na sumabay" Seryosong sabi ni Marcus kay Verra. Napatingin naman ako kay Verra na napataas lang yung kilay.

"Wag na, sa kanya na lang ako sasabay"Mataray na sagot ni Verra. Napatingin naman ako kay Marcus na biglang napakunot yung noo.

"Bakit sa kanya? Eh dapat ako ang maghahatid sayo diba?"Kunot noo'ng tanong ni Marcus. Narinig ko namang napabuntong si Verra.

"Eh pakealam mo ba!? Boyfriend ba kita para sayo ako sasabay ha?!"Inis na sagot ni Verra. Napansin ko namang biglang lumungkot mukha ni Marcus.

"Bakit ayaw mo ba sumabay sakin?"Malungkot na tanong niya. Bigla naman akong naguluhan.

Teka? Magkakilala ba sila? Magkaano ba sila ni Verra? Eh bakit kung umasta 'tong isa kala mo naman boyfriend ni Verra?!

Natauhan naman ako ng bigla kong naalala na may pinapasabi pala ang Lolo niya sa kanya."Excuse me, Marcus, may pinapasabi pala ang Lolo mo sayo"Sabi ko at bigla naman siyang napatingin sakin habang nakakunot noo.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now