Chapter 08

2.6K 74 2
                                    

Marcus Red's POV

Padabog akong pumasok ng bahay namin at nakita naman agad ako ng Yaya namin. Inis naman akong napaupo sa sofa at napasandal na lang saka sabay na napapikit. Malaki ang bahay namin at may swimming pool din kami, nasa isang Exclusive Village kasi kaming nakatira.

Ang may-ari kasi ng buong Village na 'to ay ang kaibigan ni Dad. Sobrang yaman daw yon dahil may dalawang resorts daw yon sa may Palawan. May tatlong mall, may dalawang hospital. Yung lupa na kintatayuan ng Stanford at Gillford ay sakanila din daw yon at yung lupa naman sa may StanGillford Hospital ay sa kanila din. At yun din daw ang may-ari ng buong Quezon City. At higit sa lahat may sariling yate, eroplano at mga mamahaling sasakyan.

At ayon din kay Dad, may dalawang anak lang daw yon na babae at lalaki, yung Mommy daw nung magkapatid ay matagal ng patay dahil sa sakit.

At ang mas nakakatulala ay may lima silang bahay at sa lima na yon sa tatlo ay mansyon. Grabe! Napaka-luxury ng buhay nila.

Actually, kilala ko yung kaibigan ni Dad na yon kaso hindi ko naman kilala yung anak 'non na dalawa at saka yung babae daw ay naglayas sabi sakin ni Daddy noon kaya naman matagal na rin hinahanap ng friend ni dad yung anak niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap.

'Tsk! Ang yaman na nga nila maglalayas pa siya! Hindi ata kuntento sa yaman na meron sila!'

"Mukhang pagod ka ata ngayon ah"Narinig kong sabi ni Ate Gaia pero hindi ko siya sinagot at nakapikit pa rin ako.

"Inaantok ka na ba? Umakyat ka na kaya at magpahinga, saka na lang kitang tatawagin kapag dinner na"Dagdag niya pa pero hindi ko pa rin siya sinasagot.

"Tch... Parang bingi naman itong kausap eh! Hoy Marcus Red! Sagutin mo naman ako"Rinig kong reklamo ni Ate kaya inis naman akong napamulat ng mata.

"Ano ba kasi yon?!"Inis na tanong ko kaso bigla naman siyang ngumiti sa akin at tumabi.

"Anong nangyari sa school nung dumating ka? Nagulat ba sila? Magkwento ka naman hihihi"Nagpapa-cute na sabi ni Ate Gaia kaya napairap na lang ako.

Ang pangit nga ng umaga ko kanina. Tch! Mas pangit pa sa mukha ni Riku!

"Ano? Magkwento ka na dali hehe"Pangungulit pa ni Ate Gaia kaya naman napahinga na lang ako ng malalim saka ko kinuwento ang lahat ng nangyari kanina sa school. Napansin ko namang nagulat siya at hindi makapaniwala ng bigla kong ikwento sa kanya ang nakakainis na nangyari sa amin ni Riku kanina.

"Talaga? Napakasama ng Riku na yan! Pangit na nga inaaway pa baby boy namin huhuhu"Reklamo na sabi ni Ate. Tsk O.A.!

"Aakyat na ako"Walang gana kong paalam saka na ako tumayo at umakyat ng hagdan.

"Okay... May duty rin kasi kami ngayon ni Janine sa StanGillford hospital hehe"Rinig kong sabi ni Ate, kaso napahinto ako at napalingon sa kanya.

"Janine?"Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman siya sakin ng bahagya.

"Si Janine Acosta yung Ate ni Jewel Acosta na crush ng kaibigan mong si Eros"Sagot naman ni Ate, napatango na lang ako. Chickboy talaga yung Eros na yon!Humakbang na ulit ako at ng makarating naman agad ako sa kwarto ko ay saka akong nag-dive sa kama.

Napasubsob na lang ako sa unan at feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Buti na lang hindi napansin ni Ate Gaia yung sapak sakin ni Bryce kanina kundi lagot na naman ako kay Lolo nito.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now