Chapter 51

1.2K 66 7
                                    

Third Person's POV

Nakatalikod ang isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket habang may hawak itong baso na may lamang alak.

May bigla namang pumasok na isang lalaki."Boss? Pinapatawag niyo daw po ako?"Takang tanong nito.

Dahan-dahang napalingon ang amo sa kanyang tauhan. "Oo, may ipapautos ako sayo"Seryosong sagot nito.

"Ano po yon boss?"Takang tanong pa rin ng lalaki.

"Kunin mo yung brown envelope na yan at nandiyan ang ipapautos ko sayo"Sagot nito habang seryoso pa rin. Napatango naman ang kanyang tauhan at saka kinuha ang brown envelope na nasa lamesa at saka niya kinuha ang nasa loob nito.

Isang picture ng lalaki dahilan para magtaka siya at napatingin sa kanyang amo."S-Sino po ito boss?"Takang tanong nito.

"Siya si Marcus Red Vargas na anak ni Manuel Reed Vargas at Marceline Lee Vargas at ang apo ni Jaime Vargas"Seryosong sagot naman nito.

"Ano naman ang gagawin ko sa kanya?"Takang tanong nito.

"Halika, lumapit ka"Senyas na sabi nito. Lumapit ng dahan-dahan ang lalaki sa kanyang amo at saka may ibinulong ito sa kanya.

Halos manlaki ang mga mata nito dahil sa gulat at pagkatapos naman siyang bulungan ay napatingin siya sa amo niya habang gulat na gulat pa rin.

"G-Gagawin ko po yon?"

"Oo, sabihin mo sa kanya yon para matakot siya!"

"Eh paano kung hindi naman siya matakot?"

"Edi pagbantaan mo ang buhay ni Veda"

"Veda? Sinong Veda?"Takang tanong naman nito.

"Alam na alam ko ang mga kinikilos nila at alam ko rin ang lahat-lahat kaya sundin mo na lang ang ipinapautos ko sayo!"Seryosong sagot nito dahilan para matakot sa kanya ang lalaki.

"O-Opo boss..."Takot na sagot na lamang ng lalaki."Lalabas na po ako"Paalam ng lalaki at saka na ito lumabas ng kwarto.

Bryce's POV

Nakahiga lang ako ngayon habang nanonood ng TV at sobrang boring dahil wala naman akong kasama at makausap dito.

Sa makalawang araw pa ako makakalabas ng hospital dahil okay naman na daw ako. Siguro napagod lang ako dahil marami din akong ginagawa.

Habang nanonood naman ako ng basketball ay biglang bumukas yung pinto at bumungad sa akin si Sir Jaime.

"Good afternoon po, Sir Jaime?"Agad na bati ko. Tipid lang na ngumiti si Sir Jaime at saka tuluyang pumasok sa loob at lumapit sakin.

"Kamusta ka naman?"Tanong ni Sir Jaime.

"I'm fine po"Sagot ko naman at saka ngumiti rin ng tipid. Napatango-tango naman siya at saka umupo sa may sofa.

"Kakadalaw ko lang kay Marcus kani-kanina lang at sa isang linggo na siya makakalabas. Sabi naman ng ibang Doctors na tumingin sa kanya ay okay naman na siya"Sabi ni Sir Jaime. Napatango-tango lang ako at saka sabay na napaiwas ng tingin.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now