Chapter 40

1.3K 46 0
                                    

Veda Lia's POV

"Oo, Mahal kita"Sabi ko sabay na napapikit ng mata.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yon sa kanya at hindi ko alam kung bakit ganito na naman ang nararamdaman ko na...bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Idinilat ko naman ang mata ko at nasa harapan ko siya habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Tsk! Mahal kita... Mahal kita bilang isang kaibigan kahit na bwesit ka sa buhay ko"Seryoso kong sabi na ikinakunot naman niya ng noo.

"A-Akala ko ba mahal mo ako?"

"Tsk! Oo nga, mahal kita bilang kaibigan"Inis na sagot ko at saka ko na siya inunahan maglakad. Naiwan naman siyang tulala kaya nilingon at sinigawan ko na lang siya.

"Goku?! Mauuna na ako ah! Bye!"Paalam ko na sa kanya at saka ko na siya iniwan.

***

Pagkabalik ko ng classroom ay palihim akong pumasok sa loob ng hindi nila namamalayan.

Pabalik-balik sa paglalakad yung Teacher namin at mayamaya pa ay bigla siyang huminto saka humarap sa aming lahat. Napalunok na lang ako dahil alam kong magtatawag siya ng student para magtanong.

"Mr Lacsamana? Stand up!"Tawag ni Miss kay Scott. Napatingin naman ako kay Scott na napapalunok na parang kinakabahan.

'Whews! Baka sisiw lang sakin yung itatanong sayo ni Miss eh'

Dahan-dahan naman siyang tumayo at nung nakatayo na siya ay napatingin naman ako kay Miss na seryoso lang nakatingin kay Scott.

"Mr Lacsamana? Here's my question"Seryosong sabi ni Miss. Napatingin ulit ako kay Scott at mukhang kinakabahan talaga siya. Napatingin na lang ulit ako kay Miss na seryosong-seryoso yung mukha niya at napahinga muna siya bago nagsalita.

"Who is Thomas Hobbes?"Tanong ni Miss kay Scott. Muli akong napatingin kay Scott na biglang naging kalmado kaya napatingin ulit ako kay Miss.

"Thomas Hobbes, in some older texts Thomas Hobbes of Malmesbury, was an English philosopher, considered to be one of the founders of modern political philosophy. Hobbes is best known for his 1651 book Leviathan, which expounded an influential formulation of social contract theory"Kalmadong sagot ni Scott, Napatango-tango naman si Miss at saka nagpalakad-lakad pabalik.

"What is Thomas Hobbes theory?"Tanong pa ni Miss kay Scott.

"Hobbes is famous for his early and elaborate development of what has come to be known as "social contract theory", the method of justifying political principles or arrangements by appeal to the agreement that would be made among suitably situated rational, free, and equal persons."Kalmadong sagot ni Scott. Napatango-tango na lang ulit si Miss.

"Very good...Sit down"Sabi ni Miss, naupo naman agad si Scott. Napapalunok na lang ako dahil baka ako yung sunod niyang tawagin.

'Gosh! Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito dati ah?'

Huminto ulit si Miss at saka humarap sa amin lahat saka kami pinagmasdan.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now