Chapter 16

2K 72 0
                                    

Veda Lia's POV

Sa bahay kami ni Goku ngayon magtu-tutor. Akala ko nga sa may school kaso sabi ni Goku sa may bahay na lang daw nila para daw makita ng parents niya na interesado siyang mag-aral at matuto.

d-.-b

'Kunwaring sipag-sipagan! Tsk!'

Nagda-drive siya ngayon habang seryosong nakatingin sa daan samantalang ako ay nakatingin lang sa may bintana ng biglang tumunog yung phone ko na nasa bulsa ng bag ko kaya agad ko yon kinuha at tinignan.

May message pala si Shawn.

Bigla ko tuloy naalala kanina yung tanong ni Bryce kung kaano-ano ko si Shawn at nagsinungaling akong pinsan ko si Shawn.

"Ate, punta ka ng coffee shop nandito ako ngayon nagpa-part time"

Text ni Shawn sakin. Bigla naman napakunot noo ko. Bakit naman nagpa-part time yon?

Nireplayan ko naman siya."Bakit ka nagpa-part time diyan? Tsk! Pupuntahan kita diyan kaya mag-antay ka! itu-tutor ko pa naman si Goku kaya magpapalusot na lang ako*send*"

Pagkatapos ko i-send sa kanya ay tinago ko na ulit sa bulsa ng bag ko yung phone ko saka napatingin kay Goku na seryoso pa rin nagda-drive. Napahinga muna ako ng malalim at saka nagsalita.

"Ahmmm Hindi nga pala ako makakapag-tutor ngayon dahil may pupuntahan pala ako"Sabi ko, dahilan para mapalingon siya sakin habang nakakunot ang noo.

"Bakit naman? Tsk! Dapat sinabi mo na kanina pa para hindi nasayang gasolina ng kotse ko sayo"Reklamong inis niyang sabi. Napahinga na lang ulit ako.

"Dami mo naman arte eh may pupuntahan nga ako! Kung gusto mo magtu-tutor tayo ngayon pero paunahin mo muna ako sa pupuntahan ko"Inis na sagot ko. Napahampas naman siya sa manibela ng kotse niya.

"Tsk! Oo na! Saan ka ba pupunta ha!?"Inis na tanong niya.

"Hays! Ibaba mo na lang ako diyan at saka antayin mo na lang ako sa may lumang apartment"Inis na sagot ko. Napatingin naman siya sakin.

"Sa lumang apartment? Bakit doon?"Takang tanong niya.

"Tsk! Wag ng maraming tanong basta doon ka na lang mag-antay PERIOD! Teka!? Akin na pala yung phone mo"Inis ko pa rin sagot. Bigla naman nagtaka mukha niya.

"Bakit? Aanhin mo yung pho----"Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng inis ko siyang nilingon.

"Alam mo ang dami mong tanong eh kung ibigay mo na lang dahil isa-save ko number ko sa phone mo para itext kita!? Tsk!"Inis na inis ko talagang sagot sa kanya.

d>>__<<b

Daming tanong eh pwede namang kunin na lang niya yung phone niya!

Inis naman niyang kinuha sa bulsa ng pants niya yung phone niya saka binigay sakin. Kinuha ko naman yon saka ko sinave number ko dun. Binalik ko ulit sa kanya yung phone niya at agad naman niya yon kinuha saka ulit tinago sa bulsa ng pants niya.

"Dito na lang ako"Sabi ko at agad naman niya hininto yung kotse niya sa may tabi, bumaba na ako.

Agad naman siyang umalis. Nag-para naman agad ako ng taxi saka sumakay. Kailangang maunahan ko siya sa apartment!

Mabuti na lang at mabilis yung taxi driver mag-drive kaya agad kaming nakarating sa may lumang apartment. Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako at agad na napatakbo sa may apartment at agad kong binuksan yung pinto na may padlock. Agad naman akong pumasok at sinara yon.

Pumasok kaagad ako sa kwarto saka nagtungo sa C.R. para maghilamos at tanggalin lahat yung make-up sa mukha ko, pagkatapos 'non ay tinanggal ko na rin yung wig at saka ko tinago sa hindi makikita ni Goku at nagpalit na ako ng damit.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon