Chapter 18

1.9K 75 0
                                    

Eros's POV

"Hoy! Miss sungit yung phone mo naiwan!"Malakas na sigaw ko. Nakasilip naman siya sa may bintana niya at nakita kong nakakunot noo lang siya.

"Hoy! Bumaba ka dito at kunin mo yung phone mo! Kung ayaw mo edi snatchin ko na 'to!"Malakas na sigaw ko ulit. Naririnig ko naman may kumakahol na aso sa kabilang bahay at dahil ayaw pang bumaba at lumabas 'tong suplada na 'to kaya naman inakyat ko na yung gate nila at saka umakyat sa may bintana niya.

Nagulat naman siya sa ginawa ko dahilan para mapaatras siya.

'Tsk! Ayaw mong bumaba at lumabas edi ako na mag-aadjust!'

d-.-b

"Buksan mo bintana mo at kunin mo yung phone mo"Sabi ko sa may labas ng bintana pero mukhang natulala pa siya.

Tch!

Ano!? tutulala ka na lang diyan!? Mahuhulog na ako dito sa bintana mo eh!

"Huy! Buksan mo na mahuhulog ako dito oh"Inis na sigaw ko pa, agad naman siyang natauhan saka agad binuksan yung bintana sabay hablot sakin nung phone niya at sabay sara din nung bintana niya dahilan para ma-out of balance ako at biglang nahulog.

Ouch!

d>>__<<b

Ang sakit ng likod at pwet ko ah! Buti na lang mababa lang.

Nahirapan naman akong makatayo ngayon dahil ang sakit ng likod at pwet ko dahil dun tinamaan.

Nagulat naman ako ng may paa akong nakita kaya dahan-dahan akong napaangat ng ulo at tumambad sakin si Miss suplada na nakapamewang ngayon sakin.

"Sino ba kasi nagsabi sayong umakyat ka diyan sa bintana ko ha!?"Mataray na tanong niya. Napalunok na lang ako at hindi agad nakasagot.

d>___<b

"Pababa naman ako kaso hindi ka makapag-antay kaya ayan nangyari sayo! Tch! Tch! Umuwi ka na baka may makakita pa sayo dito at saka salamat sa pag-abot mo sakin ng phone ko"Seryoso niyang sabi at akmang tatalikod na sana siya ng bigla akong nagsalita.

"Sandali lang. P-pwede bang m-makiinom ng tubig? Napagod kasi ako kakasigaw hehe"Sabi ko sabay peace sign.

d^___^b

Napairap naman siya saka sabay talikod."Sumunod ka"Sabi niya saka na umalis. Agad naman akong sumunod sa kanya papasok sa bahay nila.

Pagkapasok ko sa bahay nila ay halos puro airconditioned yung loob nila katulad din lang nung amin at malaki saka malawak ang loob ng bahay nila katulad lang din ulit ng sa amin.

Whews!

Sa pagkapasok mo pa lang ay may bubungad na malaking piano at sa taas nito sa may pader ay may isang malaking painting. Iginala ko naman yung mata ko at sa may hagdan may pulang carpet at sa taas naman ng kisame nila ay may malaking chandelier. Napansin ko rin kanina na medyo maliit sa labas yung bahay nila pero sa loob ay sobrang laki at lawak pala.

Sa may kusina naman nila ay sakto lang yung laki at may apat rin silang maid. Napalingon naman ako sa kanya na inuutusan yung isang maid na kumuha ng isang basong tubig at agad naman siyang sinunod ng maid nila.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon