Chapter 52

1.1K 44 0
                                    

Marcus Red's POV

Days passed!

Nakalabas na ako ng hospital at ngayon ay nag-special exam ako at ganun din si Bryce. Nung nakaraan pa nakalabas ng hospital si Bryce dahil na-trangkaso lang naman siya kaysa sa akin na nasaksak pero okay naman na ako, medyo masakit lang kaunti yung saksak sakin sa may bandang tagiliran ko.

Nahihirapan naman ako sa binigay na special exam dahil ang hihirap ng mga tanong tulad ng 'Who is Charles Darwin? Who is Robert Hooke? etc.' Essay siya
pero hindi naman sakin pamilyar yung mga Biology Scientist.

d>>__<<b

Psychology kinukuha ko hindi BS Biology!

d-.-b

Baka naman bumagsak ako nito tapos hindi pa ako maka-graduate kapag nakapag-tapos na ako ng college!

Nakakainis!

Ako lang mag-isa dito sa may classroom namin dahil nag-uwian na mga kaklase ko.

"Psst Marcus?!"Nagulat naman ako ng biglang may tumawag sakin kaya napatingin ako sa may pintuan at laking gulat ko dahil si Veda pala.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umuuwi?"Takang tanong ko.

"Aantayin kita"Agad na sagot niya dahilan para kiligin ako bigla.

d^__^b

'Dito ka na lang sa tabi ko para may inspirasyon ako hehe'

"Nahirapan ka ba sa exam?"Tanong niya, agad naman akong napatango.

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit at tumabi sakin."Patingin nga ng test paper mo"Seryoso niyang sabi. Kinuha naman niya yung test paper ko at saka niya binasa.

Napatingin naman siya sakin."Dapat kasi nagpa-tutor ka muna sakin para at least may sagot ka..."Seryoso pa rin niyang sabi."Alam ko lahat ng sagot diyan sa test paper mo"Patuloy niya pang sabi.

Bigla naman akong napakunot noo.

Hindi kaya sasabihin niya yung sagot?

"Sasabihin mo sakin yung sagot? Eh alam ko din naman yung mga sagot diyan kaso hindi ko naman kilala yung mga biology scientist na yan"Kunot noo ko naman sagot.

"Tsk! Edi sasabihin ko sayo!"Sagot niya rin habang nakakunot noo rin.

"Baka naman sabihing nang-daya ako"Reklamo ko naman sabi sa kanya pero napairap lang siya.

"Mamili ka... Gusto mo bang pumasa o bumagsak?"Tanong niya kaya napa-face palm na lang ako.

Syempre gusto kong pumasa at ayaw kong bumagsak kaso ayaw kong mangdaya!

"Wala naman makaka-kita na nang-dadaya ka ah? Eh kung mag-reklamo sila edi tawagin mo lang ako"Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ko.

"Tsk wala! Sige na... sasabihin ko na kung sino si Charles Darwin at Robert Hooke"Seryoso naman niyang sabi kaya napahinga na lang ako ng malalim saka napatango.

"Charles Robert Darwin was an English naturalist, geologist and biologist, best known for his contributions to the science of evolution. His proposition that all species of life have descended over time from common ancestors is now widely accepted, and considered a foundational concept in science..."Sabi na sagot ni Veda at nagda-dalawang isip pa ako kung isusulat ko ba o hindi lalo na baka magtaka yung Prof namin dahil nasagot ko haha.

"Wag ka ng magdalawang isip diyan! Isulat mo na at akong bahala"Kalmado niyang sabi kaya napahinga na lang ako at saka ko na lang sinulat yung sinabi niyang sagot.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now