Chapter 14

2.1K 54 2
                                    

Marcus Red's POV

"Hoy! Marcus!? Gising na!"

"Hoy! Gumising ka nga! Ang hina mo naman eh! Lasing ka na agad!?"Napadilat naman ako ng mata ng may tumapik sa pisngi ko at ginigising ako. Si Chase pala. Iginala ko naman yung mata ko pero hindi na 'to yung bahay ni Soo kundi nasa condo ni Eros.

"Teka anong ginagawa natin dito? Akala ko ba okay lang sa bahay ni Soo tayo mag-stay? Eh anong ginagawa natin sa condo ni Eros?"Sunod-sunod kong tanong. Bigla naman lumabas si Eros galing kusina habang may hawak-hawak na tray na may limang baso at isang bote ng red wine.

"Nagpaalam na kami kay Soo na sa condo ko na lang tayo matutulog ngayon dahil nakakahiya naman kung doon pa tayo matutulog"Sagot ni Eros saka niya nilapag sa lamesa yung tray na may limang baso at bote ng wine saka umupo sa sofa.

"Binuhat ka na namin dahil nalasing kaagad"Sabat naman ni Dean.

"Tsk! Sino ba kasing nagsabi sayo na doon tayo matutulog? Ang kapal ng mukha nito feeling close kay Soo. Tsk!"Rinig kong reklamong sabi ni Kyle kay Eros.

"Tch... Syempre ako ang nagsabi na doon tayo matutulog kaso na-realize ko na nakakahiya pala hehe"Napapahiyang sagot ni Eros kay Kyle.

d-.-b

"Tsk! Mag-iinom pa kayo eh may pasok pa tayo bukas?"Reklamong tanong ko naman at sabay naman silang apat napatingin sakin.

d>>__<<b

"Tch...Wag ka ngang O.A. diyan Marcus! Papasok pa rin tayo at sisilay ka ulit kay Ve-----"Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang binato ng unan sa mukha.

Ayaw ko mabanggit yang Veda na yan!

d>>__<<b

"Aray!"Reklamo niya.

"Kay Verra lang 'tong puso ko"Seryoso kong sabi sabay turo sa tapat ng puso ko. Bigla naman nagtaka yung mga mukha nila.

"Verra? Sino yon? Yun ba yung ipinalit mo kay Addyson?"Nagtatakang tanong ni Eros habang nagpipigil ng tawa pero hindi ko siya pinansin.

"Ang chick boy mo rin eh 'no? Bwahahaha akalain mong may Veda ka na nga, may Verra ka pa!"Biglang malakas na tawa ni Eros at natawa din yung apat pero hindi naman ako tumawa.

Anong nakakatawa sa sinabi ko!?

d>>__<<b

Binato ko ulit siya ng unan pero nakaiwas agad siya. Sayang! Sapul na sana sa mukha niya yon eh!

d>>__<<b

"Tch... Si Verra lang kasi ang nasa puso ko!"Inis na sagot ko pero natawa lang ulit sila.

"Alam mo puro ka Verra eh nandiyan naman si Veda. Saka maganda naman si Veda at sino bang nagsabing pangit yon? Ikaw lang naman pero para sakin at sa amin maganda si Veda diba guys?"Biglang seryosong sabi ni Eros at napatingin pa siya kila Dean, Chase at Kyle. Napapikit na lang ako.

'Anong ikinaganda non!?'

d>>__<<b

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now