Chapter 06

2.7K 80 3
                                    

Veda Lia's POV

Naglalakad ako pabalik sana ng locker para kumuha ng extrang T-shirt dahil nabasa ng juice yung damit ko na tinapon sakin nung Addyson na yon kanina sa may canteen.

Isa pang bullies yon eh! Mana lang kay Goku!?

Kunot noo kong tinatahak ang daan patungong locker ng bigla kong nakasalubong si Loisa.

"Oh Lou? Anong ginagawa mo dito?"Gulat na tanong ko. Ngumiti naman siya sakin.

"Tara sa canteen"Biglang aya niya habang nakangiti. Napakunot naman noo ko.

"G-galing na ako dun sa may canteen eh saka tignan mo oh yung damit ko tinapunan nung Addyson kaya ako kukuha ng damit ko sa locker."Sabi ko naman habang nakaturo sa may damit kong natapunan ng juice. Nakakainis puti pa naman yung suot ko!

d>>__<<b

Napapailing-iling naman siya."Nako! Mukhang dumadami na ang mga bullies ngayon ah!"Reklamong sabi ni Lou kaya naman napatango-tango ako.

"Oo nga eh, at ang nagpasimuno lang naman 'non ay si Goku"Inis na sagot ko at napansin ko namang bigla siyang napatingin sakin saka sabay na natawa.

"Ah kilala ko na yung Goku na siyang may-ari ng school at hospital na sinasabi mo sa akin kanina diba? At siya rin yung kaklase ko?"Natatawang tanong ni Lou.

"Mmm"Sagot ko naman saka rin natawa.

"Edi punta na lang tayo sa may canteen ng college saka sure ako na walang mga mangbubully sayo dun"Nakangiti pa rin niyang sabi. Napaisip naman ako bigla.

Sa canteen ng college? E'diba nandun si Goku? Saka siya naman talaga ang leader sa mga nangbubully. Tsk! Wala siyang pake kung doon na lang din ako kakain tutal ang canteen para naman sa lahat at hindi yung sinosolo niya! 'Di porket sila lang may-ari ng school na 'to. Tsk!

Napatingin naman ako kay Lou saka ngumiti."Sige"Nakangiti ko naman sagot at saka na kami nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad ay nagkukwentuhan lang kaming dalawa ni Loisa.

"Alam mo bang sinasabihan ako ng Goku'ng yon na pangit daw ako?!"Reklamo kong sabi kay Loisa dahilan para matawa siya kaya natatawa na lang din ako.

Nakakahawa yung tawa niya eh haha!

"Tsk! Hindi naman totoong pangit ka eh. Ang ganda-ganda mo kaya saka kung sino man ang pangit siya yon! Sama ng ugali eh bobo naman haha!"Tawang sabi ni Lou.

Oo nga pala, narinig niya yung pagtatanong sa akin ni Sir Chie-Lin kanina sa mga dapat itatanong niya kay Goku. Kaso sakin niya pinasagutan lahat ng katanungan niya kay Goku na hindi naman masagot-sagot ng lalaking yon. Tsk! Palibhasa puro hangin laman ng utak eh!

"Sayang gwapo pa naman pero obobs naman bwahahahahaha!"Tawa pa ni Lou kaya natawa rin ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano lalo na tungkol kay Goku na nakaka-bwesit naman pag-usapan kaso biglang may lalaking boses ang malakas na tumawag sa pangalan ko kaya seryoso akong napatingin sa lalaking tumawag na yon sakin.

Si Eros kasama si Goku na nakakunot noo pa. Tsk!

"Veda?!"Malakas na tawag sakin ni Eros at halos mag-echo na yung boses niya sa lakas ng tawag niya sakin. Napatingin din si Lou sa kanya. Bigla naman siyang nagsalita."May itatanong lang sana ako, pwede ba?"Tanong niya pero seryoso pa rin mukha ko na nakatingin sa kanilang dalawa ni Goku at saka ako lumapit sakanila.

"Ano?"Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kanya ng deretso. Napansin ko naman na ngumiti siya konti saka nagsalita.

"Ilang stars ang meron sa flag ng America?"Parang nanghahamon niyang tanong. Tsk! Pang elementary-high school lang yang tanong na yan hindi pa alam!

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon