Chapter 17

2K 63 0
                                    

Shawn's POV

Hi, I'm Iris Shawn Ramos, ang gwapong bunsong kapatid ni ate Veda Lia Ramos. Nag-aaral ako sa Gillford University at syempre lagi akong kasama sa top students ng school at lagi naman akong nanalo bilang President ng classroom namin.

Well, alam niyo na matalino mana sa Ate hehe.

d^__^b

Nagpa-part time nga pala ako kahit saan kahit na may pera naman ako pero gusto ko pa ring sanayin ang sarili kong tumayo sa sarili kong mga paa katulad ni Ate.

Napapanganga naman ako dahil nandito kami ngayon na parang ghost town at puro mga apartment pero wala naman mga tao maliban saming dalawa ni ate. Mayamaya pa ay huminto kami sa isang apartment at naka-padlock yung pinto kaya binuksan muna yon ni ate. 'Dito siya nakatira!?'

Napatingin naman ako kay ate habang tinatanggal niya yung padlock na nasa may pintuan."Dito ka nakatira ate?"Tanong ko dahilan bigla siyang mapalingon sakin.

"Oo, kaya secret lang natin 'to ah"Sagot na sabi ni Ate, nung nabuksan na yung pinto ay pumasok na kami sa loob at nagulat naman ako dahil malinis naman yung loob kaso medyo maliit lang yung apartment na tinutuluyan niya. Pinaupo naman niya ako sa may sofa habang naghahanda naman siya ng pagkain ngayong dinner dahil gabi na rin.

Iginala ko na muna yung paningin ko saka ako napatingin kay Ate na naghahanda pa rin."Sino nga pala yung gwapong lalaki kanina na humawak sa waist mo ate?"Tanong ko at napansin ko namang napatigil siya sa paghahanda ng mga plato, kutsara't tinidor saka tumingin sakin.

Sa totoo lang, kilala ko naman talaga kung sino yung humawak sa waist ni Ate at yun yung leader ng Black Army na si Marcus Red Vargas, pero gusto ko hulihin si ate kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang kilala ko naman talaga yon.

Alam ko rin na si kuya Marcus ang nangbubully sa kanya noon pero hindi pa kasi alam ni kuya Marcus ang secret ni ate.

"Ah eh si ano yon Goku"Sagot ni Ate, bigla naman napakunot yung noo ko.

Goku? Diba yun yung pangalan ng aso ng kapitbahay niya? Eh wala naman siyang kapitbahay eh!

Hindi kaya...

"Goku? Yung aso ng kapitbahay mo? Eh wala ka naman kapitbahay dito eh!? Don't tell me na siya yung Goku na tinutukoy mo at hindi yung aso? Grabe ka naman ate, hahaha! pinagmukha mong aso yung gwapong lalaki. Malay mo inlove pala sayo yun haha!"Natatawa kong sabi pero napansin ko namang bigla siyang natulala.

Si Goku ay si kuya Marcus!? Bwahahahahaha!

"Huy, ate ayos ka lang ba?"Natatawa ko pa rin tanong kasi tulala pa rin siya. Haha.

Ano ba kasi yung sinabi ko at bigla na lang siyang natulala? Bigla naman napasingkit yung mata ko ng maalala ko yung sinabi ko sa huli dahilan ng ikinatulala niya.

'Malay mo inlove pala sayo yun haha!'

"Bigla ka ata natulala diyan ah? Hahaha! Inlove ka rin siguro kay Goku mo 'no? Ayiiieeee"Nanunukso at nang-aasar kong sabi, nagulat naman ako ng inis niyang kinuha yung unan na nasa sofa saka binato sakin pero agad naman ako nakailag kaya hindi ako natamaan.

Pikon talo haha!

"Ano ba pangalan ni Goku?"Kunwari kong tanong pero alam ko naman pangalan 'non eh. Haha! Hindi naman agad nakasagot si Ate."Ano nga pangalan niya ate?"Kunwaring tanong ko pa. Kapag nahuli kitang inlove ka... Mas lalo kitang aasarin kay Kuya Marcus! Hahahaha.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now