Chapter 36

1.4K 61 0
                                    

Shawn's POV

"Anong ginagawa mo dito?"Rinig kong tanong ni Ate. Dahan-dahan naman akong humarap at gulat na napatingin sa kanya. Hindi ko sinagot yung tanong niya.

"Dito ka nagta-trabaho?"Taka at gulat kong tanong. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa pero ayos lang naman siya kaso ang pinagtataka ko lang ay kung anong ginagawa niya dito.

Kaya ko lang naman nalaman na nandito siya dahil nakita ko siyang pasakay ng taxi kanina habang kasama ko si Miks kaso pinauna ko na siyang umuwi at nagkunwari na lang ako na may nakalimutan akong bilhin.

Kaya ayun nga nakita ko si Ate na nakasakay na sa taxi kaya naman agad din akong nag-para ng taxi at sinundan siya.

"Dito ka Ate nagta-trabaho?"Gulat na tanong ko pa pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Paano mo naman nalaman na dito ako nagta-trabaho? Atsaka waitress lang naman ako dito 'no"Masungit na sagot ni ate kaya naman napalunok na lang ako.

"Ah eh sinundan kita hehe"Sagot ko naman sabay iwas ng tingin sa kanya."Aalis din ako pero bakit ka nandito? Dahil nagwo-work ka?"Tanong ko pero nakatingin lang siya sakin ng seryoso.

"Oo, at wag na wag mong sasabihin kay Shin-Min na dito ako nagta-trabaho at kahit na kanino. Naiintindihan mo ba!?"Masungit na sabi ni Ate. Ngumiti naman ako.

"Oo naman hehe...Sige, Ate, alis na me. Ingat ka, labyu!"Paalam ko na sa kanya at saka na ako tumalikod at nag-para ng taxi.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa sa may salas saka pinikit ko ang mata ko.

"Shawn?"Rinig kong tawag ni Akuma sakin kaya naman minulat ko isa kong mata.

"Oh bakit?"

"Yung ate mo nasaan?"Tanong ni Akuma pero nagkibit-balikat lang ako at saka ko ulit pinikit yung mata ko. Hindi na nagtanong pa si Akuma kaya umidlip na lang muna ako sandali.

Nagising ako ng nasa salas pa rin ako at sabay na napatingin sa wall clock kaso eksaktong 2am na pala. Tumayo naman ako atsaka umakyat sa taas. Agad naman akong napahiga sa kama ko dahil inaantok pa ako.

Kaso mayamaya lang ay nagising ulit ako ng may marinig akong kumakatok sa may pinto kaya inis naman akong napabangon at saka binuksan yon. Tumambad naman si Ate na pumupungay na yung mata.

"Ate, nandito ka na pala?"Agad na bungad ko. Napansin ko naman na humihikab na siya. Bigla ko naman naamoy na amoy alak siya.

Teka? Nag-inom ba siya?

"Ate, bakit amoy alak ka? Nag-inom ka ba?"Takang tanong ko, natawa naman siya.

"Konti lang...Sige na, matulog ka na. C-chineck ko lang kung okay ka lang hehe"Sagot ni Ate at saka na siya tumalikod at pumasok sa kwarto niya.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil never pa nag-iinom yon si ate pero bakit siya nag-inom?

Napapailing na lang ako saka ko na sinarado yung pinto at bumalik na ulit ako sa kama at natulog.

Veda Lia's POV

Nagising ako dahil naramdaman kong biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Dahan-dahan ko naman iginala ang paningin ko at halos manlaki ang mata ko ng makita ko sa may wall clock...

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon