Chapter 34

1.4K 55 0
                                    

Bryce's POV

Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ba ako nahihiya kay Veda lalo na nung nandito siya kanina?

Ganito ba talaga kapag nagkaka-gusto ka kaya umiiwas ka?

d>>__<<b

"Hay...Hindi pa kasi umamin"Rinig ko biglang sabi ni Scott na nasa sofa nakaupo habang nagce-cellphone. Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa ngayon parang hindi na ako mapakali."Kaya ayan hindi mapakali dahil torpe"Rinig ko pang sabi ni Scott, kaya naman inis ko siyang binato ng unan at tumama naman yon sa pagmumukha niya. Haha!

"Ang sakit 'non ah!? Nanakit ka ng torpe ka------"Hindi niya natapos sabihin ang reklamo niya ng biglang bumukas yung pinto at biglang pumasok sina Ayden, Quinn at Dylan.

"Oh saan kayo galing at bakit ganyan itsura niyo?"Takang tanong ko. Lumapit naman sakanila si Scott.

"Bakit may sapak yang mga mukha niyo? Gusto niyo bang sumunod kayo dito kay Bryce?!"Reklamong tanong ni Scott.

"Teka? Ano ba kasi nangyari?"Takang tanong ko ulit. Nagkatinginan naman silang tatlo saka sabay na napatingin sakin.

"Si Lee at Jin! Biglang sumugod samin kaya ganito ang nangyari samin"Sagot ni Quinn.

"Bakit hindi kayo lumaban?"Si Scott.

"Lalaban naman sana kami kaso ang dami nila at saka hinahanap ka nung dalawa pero hindi lang ikaw ang hinahanap nila dahil pati si Marcus hinahanap din nila"Sagot naman ni Ayden kaya napatingin kami ni Scott sa kanya.

"Ano naman kinalaman ni Marcus at bakit naman nila hinahanap si Marcus?"Takang tanong ko.

"Hindi namin alam"Sagot naman ni Ayden.

"Paano kayo nakatakas?"Tanong ko sa kanila. Si Dylan naman ang sumagot.

"May biglang dumating kasi na babae at nagulat kami na si Veda pala"Sagot ni Dylan. Nagkatinginan ulit kami ni Scott.

"Nakita niya ba sila Lee at Jin?"Gulat na tanong ko pero napailing lang sila kaya nakahinga naman kami ng maluwag ni Scott.

"Saan ba kayo sinugod nila Lee at Jin saka mga kasamahan nila?"Tanong ko.

"Dun sa may abandonadong Apartment"Sagot naman ni Quinn.

"Anong reaction ni Veda nung nakita kayo?"Tanong ni Scott.

"Syempre nagulat pero sinabi namin na pinagtripan lang kami."Sagot ni Ayden.

"Eh ano ba kasi ginagawa niyo sa abandonadong apartment?"Tanong ko.

"May tumawag kasi sakin na nakidnap daw yung girlfriend ni Marcus na si Veda"Sagot ni Quinn. Napapikit naman ako dahil ang tanga nila eh hindi naman girlfriend ni Marcus si Veda.

"Eh bakit sayo tumawag? Diba dapat kay Marcus siya tumawag para siya na lang mag-isang pumunta doon at para siya na lang din yung mabugbog?!"Inis na sabat naman ni Scott.

"Tsk! Ang bobo mo Scott! Hindi pwedeng mabugbog si Marcus! Edi lagot ako sa Lolo niya! Baka isipin 'non bumalik na naman sa dati yung pagkapilyo ng apo niya!"Inis kong sagot kay Scott at mukha namang napaisip siya.

"Oo nga no? Sabagay ikaw daw kasi magpapabago sa ugali ni Marcus haha"Sagot din naman ni Scott sabay tawa.

d>>__<<b

"Ewan ko sayo!"Inis kong sigaw kay Scott pero mahina lang naman. Napatigil siya sa pagtawa pero halatang nagpipigil naman ng tawa.

"Nakausap niyo ba si Veda? Nasaan na siya ngayon?"Tanong ko naman sa kanila.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin