Chapter 55

2.7K 72 32
                                    

Marcus Red's POV

Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Ang Stanford ball party. Nasa bukana naman ako ng pinto at inaabangan ang aking prinsesa.

d^__^b

"Hoy Marcus!?"Napalingon naman ako sa likod ko ng bigla akong tawagin ni Eros. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?"Takang tanong ni Eros. Ningitian ko naman siya.

"Inaantay ko lang prinsesa ko"Nakangiti kong sagot dahilan para mapangisi lang siya.

"Tsk! Bakit ikaw inaantay ka rin ba niya?"Nakangisi niyang tanong dahilan para mapangisi na lang din ako.

"Tsk! Wag ka ngang panira ng moment diyan! Doon ka na sa Loisa mo!"Inis kong sagot habang nakangisi. Napailing-iling naman siya at saka pumasok na lang ulit sa loob.

Tumalikod na ulit ako at inaantay ko pa rin siya.

'Bakit ba ang tagal niya? Baka naman nagpapaganda pa siya eh ang ganda na nga niya!'

d>>__<<b

Habang inaantay ko pa rin si Veda ay bigla ko naman nakita ang Black Crown.

Bigla naman akong binati ni Ayden."Hey! Whatshuppp! Gwapo mo ah"Nakangising bati ni Ayden pero ngumiti lang ako ng tipid.

'Dati na akong gwapo!'

Napansin ko naman si Bryce na seryoso lang nakatingin sakin pero iniwas ko na lang tingin ko sa kanya at saka tumingin na lang sa malayo at syempre inaantay ko pa rin ang prinsesa ko.

d^__^b

"Sinong hinahanap mo?"Rinig kong tanong ni Scott kaya napatingin ako sa kanya at akmang magsasalita ako ng biglang nagsalita si Bryce.

"Si Veda ba hinahanap at inaantay mo?"Seryosog tanong ni Bryce pero hindi ako agad nakasagot."Nasa parking lot siya kasama si Shawn"Patuloy na sabi ni Bryce habang seryoso pa rin siya at nauna na siyang humakbang at pumasok sa loob kaya agad din naman sumunod sa kanya yung apat na ugok.

Nandito na pala siya tapos ako naman mukhang tanga kakaantay sa kanya!

d>>__<<b

Napapikit naman ako dahil mukha talaga akong tanga kanina pa! Tsk!
Nagsimula naman akong humakbang at saka ko pinuntahan si Veda at Shawn sa may parking lot.

Ano naman ginagawa ng magkapatid na yon doon?

Pagkadating ko naman sa parking lot ay nakita kong si Shawn lang yung nandoon.

"Shawn?"Tawag ko kay Shawn na agad naman napatingin sakin. Nakasandal siya sa may kotse habang naka-cross arms pero nung tinawag ko siya at nakita niya ako napangiti siya.

"Kuya Marcus"Nakangiting sambit niya sakin. Nilapitan ko naman siya at saka ngumiti rin.

"Nasaan ang ate mo?"Takang tanong ko.

"Pumasok na siya doon sa loob"Agad naman na sagot ni Shawn dahilan para mapapikit ulit ako.

Nagkasalisi kami!?

"Kakapasok lang ba?"Takang tanong ko ulit. Agad naman siyang napatango.

"Oo, ay wait lang si Jewel"Sagot naman ni Shawn kaso nagulat naman ako ng mabanggit niya yung Jewel.

Sinong Jewel? Ah yung kapatid nga pala ng bff ni Ate Gaia na si ate Janine Acosta. At si Jewel na crush na crush noon ni Eros pero hindi naman siya crush!

d>>__<<b

Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko nga si Jewel na simple lang ang suot pero sobrang ganda niya at para din siyang manika.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon