Chapter 03

3.4K 89 1
                                    

Veda Lia's POV

"Are you Veda Lia Ramos?"Tanong nung babae na straight at mahaba ang buhok habang kulot sa dulo. Naka-cross arms siya habang nakataas yung isang kilay, matangkad at maputi.
"Ikaw ba ang bago dito sa Stanford? Or transferee ka?"Mataray pa rin niyang tanong pero hindi ko siya sinagot.

"Are you dumb?"Narinig ko namang tanong nung isa na nasa kanan niya pero tinignan ko lang siya.

"H-hindi"Walang gana kong sagot at akmang tatalikod na ako't papasok na lang ulit sa classroom ng bigla akong hawakan sa braso ng mahigpit nung nasa gitnang babae na tinatanong ako kanina.

"Kapag tinatanong ka, sumagot ka kasi kaagad!"Inis na sigaw niya sakin. Napansin ko naman na parang gigil na gigil siya.

Walang emosyon ko naman inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko at tinignan lang siya na parang normal na tingin lang.

"Bakit ba kasi pinapapasok pa dito ang isang katulad mong basura lang? Ang dapat sayo sa public school!"Inis na namang sigaw niya pero hindi naman ako nagpatinag at tinitigan ko lang siya ng normal.

"Well, kahit siguro sa public school hindi ka nila papasukin dahil isa kang basura na mabaho!"Inis na sigaw na naman niya ulit sakin.

Napahinga na lang ako ng malalim."Basura nga ako, langaw ka naman! At saka may karapatan pa rin akong mag-aral kahit na mukha akong basura"Walang emosyon kong sagot at napansin ko naman sa mukha niya na sobrang inis na inis siya at napapikit na lang din siya sa sobrang inis sakin.

Iminulat niyang muli ang kanyang mga mata at akmang sasampalin niya ako ng biglang may dumating na limang lalaki na mga mukhang mayayaman dahil napansin ko yung bag ng nasa gitna ay Gucci at saka yung sapatos niya ay Gucci rin. Napansin ko naman yung sunglasses niya na nasa ulo niya ay Maui-Jim at yung wrist watch naman niya ay Rolex.

Big time!

Nagulat naman ako ng bigla silang lumapit sa amin pero tumingin muna siya sa tatlong babae na naka cheerdance uniform at saka tumingin sakin habang nakangisi.

"You look so familiar?"Nakangisi niyang tanong pero nakatingin lang ako sa kanya ng deretso.

"Diba ikaw yung scholar sa Gillford University?"Tanong niya na nakangisi pa rin.

Hindi naman ako nagsalita at deretso pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Hindi mo ba ako natatandaan?"Nakangisi pa rin niyang tanong.

'Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Masyadong papansin!'

"Malamang hindi, dahil madalas ka lang naman nakayuko"Patuloy niya pa habang nakangisi pa rin sa akin.

Tsk! Wala naman akong pakialam kung sino 'man siya at mas lalong wala akong pakialam kung siya 'man yung nangbubully sakin noon na tinapunan ng juice sa canteen at tinisod sa harap ng maraming tao.

"Hindi ako interesado sa mga pinagsasabi mo"Seryoso kong sagot at bigla naman napataas yung isa niyang kilay.

"So wala ka palang pakealam kahit na pinapahiya ka na? At kahit na binubully ka na? At talagang wala ka pa rin talaga pake kahit kanino? Sabagay tama nga naman sila eh, bakit ka pa dito pumasok eh mukha ka nga naman basura?"sunodsunod niyang tanong saka sabay na natawa pa. Pero tinignan ko lang siya. Sige, laitin mo lang ako baka magulat ka na lang!

Kapag may tao kasing nangbubully sakin nagpapaka-weirdo lang ako dahil una sa lahat wala naman akong pakealam sa taong nangbubully sakin pero mukhang sa lalaking 'to ata ako magiging totoong Veda Lia Ramos na hindi nila alam na kung sino talaga ako.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon