Chapter 35

1.4K 55 1
                                    

Bryce's POV

Napamulat naman ako ng mata dahil may naririnig akong nag-uusap na galing sa labas pero hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya naman akmang babangon ako ng mapansin kong may nakatungo malapit sakin at nakilala ko naman kung sino ang nakatungo dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Si Veda.

Nakatungo siya sa kama habang nakaupo sa may upuan at bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya naman dahan-dahan akong bumangon dahilan para bigla siyang magising at kahit nakapikit at gulo-gulo buhok niya ang ganda pa rin niya.

"A-anong oras na?"Tanong niya habang nakapikit pa rin. Hindi naman ako nakasagot at nakatingin lang ako sa kanya habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.

Dahan-dahan naman niyang minulat mata niya kaso nagulat naman siya ng makita ako kaya agad niyang inayos yung buhok niya sabay tayo.

"Ah eh sandali lang... maghihilamos lang ako saka bibili din ako ng pagkain sa baba"Nagmamadali niyang sabi at agad siyang kumaripas ng takbo papuntang c.r.

Natatawa na lang ako sa kanya dahil ang cute niya at saka kahit hindi siya maghilamos ang ganda pa rin niya.

d^__^b

Mayamaya pa ay lumabas na siya ng c.r at saka napatingin sakin."Bibili lang ako sa labas"Paalam niyang sabi. Napatango lang ako saka na siya lumabas.

After 10 minutes bumalik na ulit siya at may dala siyang dalawang plastic. "Oo nga pala, nakasalubong ko si Dra. Gaia at nasabi na pala nung Dad ni Goku na makakalabas ka na mamayang tanghali."Sabi niya habang inaalis niya sa plastic yung mga binili niya. Nagtaka naman ako dahil ang dami niyang binili eh lalabas din naman na ako mamaya.

"Bakit ang dami mo naman atang binili eh lalabas din naman ako mamaya?"Nagtataka at natatawa kong tanong. Napatingin naman siya sakin saka ngumiti kaya naman natulala ako sandali sa kanya.

'Ang ganda talaga ng ngiti niya'

d*o*b

"Ah eh kasi para naman mas lalo kang lumakas hehe"Sagot niya sabay iwas ng tingin sakin. Ilang saglit pa ay lumapit siya sakin sabay abot sakin nung pagkain na nakalagay sa may styro.

"Kain na tayo"Sabi niya at naupo na siya sa may sofa at kumain.

Kumain na rin ako habang pinagmamasdan siyang kumakain. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil nakasama ko siyang kumain ng kami lang dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna siya na uuwi dahil papasok pa siya ngayon sa school kaya ako na naman ang maiiwan dito pero okay lang dahil lalabas din naman ako mamayang tanghali.

Hindi pa dumarating yung apat kaya sobrang boring pero buti na lang may phone ako kaya naglaro na lang ako sa phone ko pero boring pa rin dahil walang kausap kaya tinago ko na lang phone ko at saka humiga.

Ipinikit ko na lang mata ko dahil wala naman ako kausap eh alangang kausapin ko sarili ko edi parang baliw na ako non!

d>>__<<b

Hindi naman ako kagaya ni Marcus na baliw na nga isip bata pa!

Matutulog na ulit ako pero hindi naman na ako makatulog kaya umupo na lang ulit ako at nag-antay na lang ng oras para makauwi na mamaya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora