Chapter 25

1.6K 63 0
                                    

Bryce's POV

Nasa StanGillford hospital ako ngayon dahil bigla akong nawalan ng malay nung may biglang pumalo sa ulo ko kagabi sa may lumang warehouse.

Nung kinatok kasi ako ni Dylan kagabi sa kwarto ko ay may sinabi siyang kalaban.

*Throwback*

"May kalaban"Hinihingal na sabi ni Dylan nung nakapasok siya sa kwarto ko.

"Ano?! Sinong kalaban!?"Gulat kong tanong. Pumasok na rin sa loob sina Scott, Quinn, at Ayden.

"Paano niyo nalaman na may kalaban?!"Gulat na tanong ko pa habang isa-isa ko silang tinignan.

"Diba sabi mo matulog na kami dahil maaga pa tayo bukas? Kaso biglang tumawag si Lebron at gusto niya makipaglaban sa atin ng mga kasama niya! Nasa may lumang warehouse sila ngayon. Kaya kinatok kita dahil para sabihin sayo"Sagot ni Dylan.

Walang ano-ano ay agad akong tumayo at saka nagbihis.

"Oh saan ka pupunta?"Takang tanong ni Scott.

"Edi susugod tayo kay Lebron!"Inis na sagot ko kay Scott.

Muntanga lang kasi eh! Malamang hahamunin ko rin sila dahil nanghahamon sila eh!

Sabay-sabay kaming umalis ng Condo at sumakay sa kanya-kanya naming motor saka pinuntahan si Lebron sa lumang warehouse.

Ilang saglit lang ay nakarating agad kami sa may lumang warehouse.

"It's been a long time"Nakangising bungad ni Lebron. Sa likuran naman niya ay mga kasama niya rin na gangster. Mga nasa 20 plus sila samantalang lima lang kami.

d>>___<<b

Okay lang, kaya namin 'to!

"Yah me too...Lebron!"Sagot ko habang nakangisi rin.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa kaya simulan na natin ang laban"Biglang seryoso niyang sabi kaya naman naghanda na kaming lima at hawak na namin ang mga baseball bat namin.

Kapag kami napapasabak sa laban ay baseball bat lang ang ginagamit namin dahil pwede din itong makapatay lalo na kung ita-target mo sa ulo nila.

Agad na kaming sumugod at isa-isa namin tinatalo ang mga kalaban at hinahataw namin ng baseball bat sakanila at agad naman silang natatalo samin.

Nagtutulungan kaming lima. Si Scott at Quinn ang magkasama na sumusugod sa apat na agad naman din silang sinusugod pero natatalo nila.

Si Ayden at Dylan naman ang magkasama na tinatalo ang anim na ugok na may hawak na patalim pero agad na hinampas ni Ayden ng baseball bat yung isang gangster na dapat ay sasaksakin siya pero ng dahil nahampas ni Ayden yung kamay 'non ay nabitawan niya yung matalim na kutsilyo at agad na naagaw ni Ayden yon at saka sinaksak sa leeg nung gangster.

At ako naman ay kalaban ko si Lebron na nag-aala ninja moves pa pero agad ko siyang sinapak sa mukha dahilan para matumba siya kaya naman akmang susugurin ko siya para sapakin ulit ng biglang may humataw sa ulo ko na hindi ko naman nakita kung sinong humataw sakin hanggang sa bigla akong natumba at nakita kong nakikipaglaban pa rin yung apat.

Naramdaman ko mula sa noo ko na may dugo at dahan-dahan kong naipikit ang mga mata ko at bago pa akong tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pang tinawag ni Ayden ang pangalan ko pero tuluyan na akong nawalan ng malay ilang saglit lamang.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now