Chapter 27

1.5K 69 4
                                    

Dean's POV

"Marcus?!"Malakas na tawag ko kay Marcus habang papalapit sa kanya at napansin ko naman si Addyson pero nanlaki ang mata ko ng makita kong hawak ni Addyson ang kamay ni Marcus.

Agad naman akong napatingin kay Marcus ng bigla siyang nagsalita."Bakit mo ako tinawag?"Kunot noo niyang tanong. Napansin ko naman ulit na biglang inalis ni Marcus ang kamay niya sa pagkakahawak ni Addyson sa kanya.

"Ah eh emergency"Agad na sagot ko na mas ikinakunot ng noo niya.

"A-anong emer------"hindi ko na siya pinatapos magsalita ng agad ko na siyang hinila.

"Hey! Where are you going?"Rinig namin na tanong ni Addyson kaya naman nilingon ko siya.

"Saglit lang! babalik din kaagad kami!"Malakas na sabi ko saka sabay iwas sa kanya. Bumaba na kami ng hagdan.

"Saan ba tayo pupunta?!"Tanong ni Marcus kaya nilingon ko naman siya. Nakakunot ang noo niya at halatang naiinis.

"Nandito si Shinzo"Kalmado kong sagot, napahinto naman siya sa paglalakad at seryosong napatingin sakin ng deretso.

"Bakit? A-anong ginagawa niya dito?"Takang tanong niya. Napahinga na lang ako ng malalim saka ulit nagsalita.

"Gusto ka daw niyang makausap"Seryoso ko ulit sagot. Akmang magsasalita naman siya ng bigla ko ulit siyang hinila.

"Teka sandali lang----"Hindi ko na siya pinansin at hila-hila ko pa rin siya.

Pagkalabas namin ng school ay agad kaming pumunta sa parking lot.

"Nasaan na si Shinzo?"Takang tanong ni Marcus pero nagkibit balikat lang ako. Iginala ko naman paningin ko ng bigla naman akong kalabitin ni Marcus.

"Si Riku ba yon?"Takang tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya pero sa iba siya nakatingin kaya sinundan ko na lang kung saan ba siyang nakatingin.

Si Veda nga na nasa 'di kalayuan sa aming dalawa ni Marcus habang papasok ngayon ng S.U. Seryoso at deretso lang siyang naglalakad pero nagulat naman ako ng biglang tinawag ni Marcus si Veda.

Marcus Red's POV

"RIKU?!!"Malakas na tawag ko kay Veda dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at kunot noo na
napatingin sakin.

"Late ka na!"Nakangisi kong sabi pero nakakunot noo pa rin siya.

Bigla naman bumulong sakin si Dean."Marcus, wag mo ng pagtripan baka pagsisihan mo pa"Bulong sakin ni Dean pero hindi ko siya pinansin. Nagsimula naman akong humakbang papalapit kay Veda habang nakakunot noo pa rin siya.

"Kamusta naman ang landian moments niyo ni Bryce?"Nakangisi kong tanong pero bigla naman napataas yung kilay niya.

"Anong landian pinagsasabi mo diyan ha?! Don't tell me na nagseselos ka? Hoy! Kung wala ka naman magandang sasabihin Goku baka kung pwede lang tantanan mo na ako! Dahil alam mo namang late na ako, abala ka pa!"Inis na sigaw niya sakin pero napataas lang yung kilay ko.

"Kung nakaka-abala ako dahil late ka na? Pwes! mas nakaka-abala ka dahil ang landi mo!"Inis ko rin sigaw sa kanya pero nagulat naman ako ng bigla niya akong sinapak sa mukha.

"Malandi pala ha?! Pwes! G*go ka! F*ck you!"Inis at galit niyang sigaw sakin saka siya umalis. Napahawak na lang ako sa labi ko at naramdaman ko naman na may dugo yung labi ko kaya agad ko yun pinunasan.

Init ng ulo ah?!

d>>__<<b

"Sabi ko naman kasi sayo na wag mo ng pagtripan kaya ayan nasapak ka tuloy"Napapailing iling na sabi ni Dean pero nilingon ko lang siya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now