Chapter 37

1.3K 50 0
                                    

Marcus Red's POV

Nagising naman ako saka sabay na napalingon sa tabi ko. Nakasandal yung ulo ni Veda sa may balikat ko habang yakap naman niya yung notebook ko. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya na nakapikit at nakasandal sa balikat ko.

Kaya ko lang naman sinabi na magpapa-tutor ako para makasama ko siya pero hindi naman ako magpapa-tutor talaga sa kanya haha.

Hinawi ko naman yung hibla ng buhok niya na nasa mukha niya saka ko tinabi sa gilid ng tenga niya. Niyakap ko naman siya habang nakasandal pa rin yung ulo niya sa balikat ko at naamoy ko naman na sobrang bango niya.

d^__^b

Pinagmamasdan ko pa rin ang napaka-ganda niyang mukha.'Bakit ba kasi hindi pa ako na-inlove sayo noon?'

Napaayos naman ako ng upo ng bigla siyang gumalaw at nagising. Napatingin naman siya sakin ng makita niyang gising ako kaya naman ningitian ko siya. Ngumiti din siya sakin saka napaayos ng upo.

Napansin ko naman yung suot niyang white T-shirt na pinahiram ko sa kanya kanina, malaki at maikli yon sa kanya. Napayakap naman ako sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin.

"Bakit?"Takang tanong niya, tumingin naman ako sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Wala lang"Sagot ko naman at saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi. Mukha namang nagulat pa siya dahil sa biglang paghalik ko sa kanya pero agad naman din siyang natauhan sabay na napaiwas ng tingin sakin.

Hindi ko talaga mapigilan sarili ko na halikan siya lagi dahil na-aadik ako sa lambot ng labi niya. Umayos naman ako ng upo at saka ko siya tinawag.

"Veda?"Tawag ko sa kanya, agad naman siya napalingon sakin.

"Hmmmm"

"Do you love me?"Tanong ko sa kanya. Hindi naman agad siya nakasagot at bigla naman siyang napayuko pero inangat ko yung chin niya para tumingin siya sakin ng deretso.

"Look at me"Seryosong sabi ko. Napatingin naman siya sakin."Do you love me?"Ulit ko pang tanong. Napahinga naman siya pero hindi pa rin niya sinasagot yung tanong ko.

"Veda?"Tawag ko ulit sa kanya kaya naman napatingin siya ulit sakin ng deretso."Oo o hindi? Mahal mo ba ako?"Tanong ko pa sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Please, sagutin mo naman tanong ko sayo. Mahal mo ba ako o hin------"

"Oo"Biglang sagot niya dahilan para ako naman ang hindi makapag-react."M-mahal kita..."Patuloy niya pa saka sabay umiwas ng tingin sakin. Napapikit na lang ako dahil parang hindi ko naman naramdaman yung sinabi niya. Gusto ko marinig sa kanya na totoo yung nararamdaman niya na mahal niya din ako.

"K-kung mahal mo ako bakit kailangang umiwas ka pa? Pwede naman deretso sa mata ko sabihin na mahal mo ako? Kasi nung umamin ka kagabi na...na mahal mo ako naniwala ako kahit na alam kong lasing ka lang pero ramdam kong totoo yung sinabi mo. Pero gusto ko pa rin malaman at maramdaman kung totoo yun na totoong mahal mo ako na hindi ka nakainom at lasing. Veda? Mahal mo ba ako?"Seryoso kong sabi sa kanya. Napatingin naman siya sakin pero agad din napaiwas at saka tumayo kaya napatayo din ako.

"Mahal kita Veda, mahal na mahal kaya sana naman sumagot ka. Mahal mo ba ak-----"Hindi ko natapos sasabihin ko ng bigla siyang napalingon sakin.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon