Chapter 10

2.3K 61 0
                                    

Veda Lia's POV

Nagmamadali akong umuwi ngayon dahil baka makita ako ni Goku.

Bigla ko na naman kasing naalala yung binulong niya sakin kanina.

"May ipapautos lang naman sana ako sayo na baka pwedeng bilhan mo ako ng bouquet of roses para ibigay ko sana sa crush ko pero mukhang ayaw mo naman... So ito na lang ang ipapautos ko at pag-isipan mo ng mabuti. Magpapanggap tayong mag-on then makikipag-date ka rin sakin o baka gusto mong patalsikin kita dito sa school namin at mawalan ka ng scholar?"

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan pa namin magpanggap na mag-boyfriend girlfriend at makipag-date sa kanya.

Ayaw kong magpakita kay Goku dahil baka mamaya papiliin na naman niya ako. Ayaw ko naman mawalan ng scholar dahil baka hindi ako makatuntong ng College huhuhu.

At ayaw ko naman din magpanggap na mag-on kami at lalong ayaw kong makipag-date sa kanya.

Lalo na hindi ko naman siya type kahit na gwapo siya.

d-.-b

Agad akong nagpara ng jeep pagkalabas ko ng school, Sumakay na ako. Ang hirap naman mag-commute. Mas mabuti kung may sarili kang sasakyan kaso wala eh.

Mayamaya ay nandito na rin ako sa may tinutuluyan ko at naglakad lang ako. Walang katao-tao dito maliban sakin.

Wala kasing nakatira dito at abando na 'tong lugar na 'to pero mas gusto ko dito dahil tahimik at saka para walang makakita sakin dahil hindi nila pwedeng malaman na nandito ako.

Habang naglalakad ako ay bigla na lang ako napatigil ng may nakita akong Lamborghini na kulay itim na naka-park sa may tapat ng tinutuluyan kong apartment.

Parang pamilyar sakin yung kotse na yon...

Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ko na ang may-ari ng Lamboghini na itim na yon ay si Goku!

Ano na naman bang ginagawa niya dito?

At saka mas nauna pa siya kesa sakin ah!?

Nakatayo siya sa may tapat ng pintuan at may hawak-hawak siyang bouquet of roses at may paper bag din siyang dala.

Napapikit na lang ako sa inis dahil nandito na naman si Goku. Pasimple naman akong dumaan sa may likod ng apartment dahil may daan doon papasok sa may loob ng apartment ko.

Pagkapasok ko sa may apartment ay agad akong nagbihis at tinanggal yung wig, eye glasses at yung make-up at saka inilagay sa may isang box at tinago ko yon sa may cabinet ko.

Napahinga naman ako ng malalim saka kunot noo'ng binuksan yung pinto. Tumambad naman siya sakin na todo ngiti sabay abot sakin ng bouquet of roses at paper bag.

"For you Miss beautiful"Nakangiting abot niya sakin nung bouquet of roses at paper bag.

Napataas naman yung kilay ko."Anong ginagawa mo dito?"Mataray kong tanong pero nakangiti lang siya na parang nagpapa-cute.

Oo na! Cute ka na at gwapo pero hindi pa rin kita type!

"G-gusto lang sana kitang ma-solo ngayon hehe"Ngingiti-ngiti niyang sabi. Napataas ulit yung kilay ko.

Nababaliw na naman itong lalaking 'to!

"Ma-solo? Sorry, pero hindi ako pwedeng solohin ngayon"Mataray kong sagot at napansin ko namang biglang lumungkot mukha niya.

d-.-b

Napairap na lang ako at nung may naisip ako ay napahinga na lang ako ng malalim.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now