Chapter 04

3.1K 89 1
                                    

Veda Lia's POV

Nasa upuan ako ngayon sa may likuran habang nagbabasa ng libro. Pagkatapos kasi ng sagutan namin nung Marcus Red Vargas na yon na isip bata naman eh agad na akong pumasok sa loob ng classroom dahil wala naman akong pake sa mga pinagsasabi niya kahit pa silang may-ari nitong school at ng hospital. Nang pumasok din ako ngayon sa classroom may kung anu-ano na akong naririnig sa kanila na mga kung ano-anong pinagsasabi tungkol sakin pero hindi ko na sila pinapansin.

Napansin ko namang wala si Bryce at yung apat lang niyang kaibigan ang nandito. Hindi ko na lang yon pinansin at pinagpatuloy ko na lang ulit yung pagbabasa ko ng biglang bumukas yung pinto pero hindi ko naman tinignan kung sino yung nagbukas at pumasok.

"Veda"Narinig kong tawag sakin kaya dahan-dahan kong ibinaba yung librong binabasa ko at tumingin kay Bryce na nakatayo ngayon sa harapan ko. Hindi ko naman siya sinagot at nakatingin lang ako sa kanya ng deretso.

"Pinapatawag ka ni Mr. Jaime Vargas sa office niya ngayon din"Seryosong sabi niya. Hindi ko pa rin siya sinagot at umiwas lang ako ng tingin saka ko sinara yung libro at inilagay sa bag ko saka tumayo.

"Sasamahan na kita"Dagdag pa niya pero umiling lang ako.

"Hindi na. Kaya ko naman"Seryoso kong sagot at nagsimula na akong humakbang saka lumabas ng classroom.

May mga nakikita naman akong nagbubulungan at kung anu-ano ang mga pinagsasabi sakin pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman ako nag-aaksaya ng oras sa mga walang kwentang tao!

Deretso lang akong naglalakad papuntang office at saka alam ko naman kung saan yung office dahil dating nalibot ko na 'tong Stanford nung nag-enroll ako noon dito.

Nasa tapat na ako ng office ni Mr. Jaime Vargas at akmang kakatok na sana ako ng may biglang dumating na babae at namumukhaan ko siya dahil siya yung nakausap ko nung nag-enroll ako dito noon.

"Oh Veda Lia ikaw pala"Nakangiting bati niya sakin kaya ngumiti lang din ako ng tipid.

"Pinapatawag daw po kasi ako ni Mr. Jaime Vargas"Sagot ko naman at napatango-tango naman siya.

"Sige, sandali lang sasabihin ko"Sabi niya na nakangiti pa rin. Tumango lang ako at saka na siya kumatok sa pinto at binuksan naman niya yon saka siya pumasok.

Nag-antay naman ako ng ilang minuto, lumabas naman siya at nakangiting sumenyas sakin na pumasok na daw ako sa loob kaya napatango na lang ako atsaka na rin pumasok sa loob.

"Good morning, hija?"Seryosong bati ni Mr. Jaime."Please, sit down here"Dagdag pa niya saka tinuro yung sofa kung saan ay kaharap ko si Marcus. Napatango lang ako saka na ako umupo habang nakayuko. Nakatingin naman sakin ngayon si Marcus pero hindi ko siya tinignan.

Una sa lahat... ayaw kong makita yung nakakainis niyang mukha!

"Good morning rin ho, Sir"Bati ko na nakayuko pa rin. Hindi naman siya sumagot at kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saming dalawa ni Marcus habang nakaupo sa may swivel chair.

"Are you Veda Lia Ramos?"Mahinahong tanong ni Mr Vargas sakin kaya napatango lang ako ng tatlong beses habang nakayuko pa rin. Narinig ko naman na napabuntong siya bago muling nagsalita.

"Can you tell me what happened to you and my grandson?"Mahinahon pa rin niyang tanong sakin kaya napaangat naman ako ng ulo saka tumingin saglit kay Marcus na seryoso lang ang tingin saka tumingin ako kay Mr Jaime at tumingin ulit kay Marcus habang seryoso pa rin ang tingin ko sa kanya.

Nakita ko naman na napapairap siya at parang naiinis sakin. Pwes! Mas naiinis ako sayo!

Sinagot ko naman yung tanong ni Mr. Jaime ng hindi nakatingin sa kanya at na kay Marcus lang akong nakatingin."Your grandson is a bully, Sir"Mahinahong sagot ko at narinig ko naman na napabuntong ulit siya.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Where stories live. Discover now