Chapter 44

1.2K 47 4
                                    

Marcus Red's POV

Nagising ako bigla ng umaga dahil may pumasok na Nurse para icheck ako at pagkatapos naman akong icheck nung Nurse, hindi na ako nakatulog kaya nanood na lang ako kaso walang kwenta naman yung palabas kaya inoff ko na lang yung TV at napahiga na lang.

Dalawang oras pa akong nag-aantay at nabo-boring na talaga ako. Gusto ko ng umuwi! Bakit ba kasi 1 month pa ako dito? Malala ba talaga ang nangyari sakin? Tsk! Masyado lang sila O.A!

d>>__<<b

Napapikit na lang ako at inis na sinabunutan ang sarili ko pero agad akong napahinto sa pagsabunot sa sarili ko ng biglang may kumatok at parang bigla akong nabuhayan ng pag-asa na baka dinalaw ako ni Veda kaso yung pagkabukas naman 'non ay si Lolo lang pala.

d-.-b

"Oh apo? Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain?"Sunodsunod na tanong ni Lolo pero hindi ako sumagot.

"Nasaan pala ang Mommy mo?"Tanong pa ni Lolo kaya sumagot na ako.

"H-Hindi ko po alam"Sagot ko at nagpalingon-lingon pa ako sa paligid ko pero ngayon ko lang napansin na wala na pala si Mommy.

d>>__<<b

Napatingin naman ako kay Lolo."Lo? Ano po pala ang ginagawa niyo dito?"Takang tanong ko pero bigla lang siyang tumawa.

"Nakalimutan mo na ba? Sinabi ko kahapon na dadalaw ulit ako dito"Sagot ni Lolo habang tumatawa pa rin.

'Oo nga pala!'

d>>__<<b

Umupo naman si Lolo sa may sofa saka nagbasa ng dyaryo at may naisip naman akong paraan para makita ko si Veda. Napapangiti naman ako dahil sa naisip kong paraan kaya napatingin ako kay Lolo saka ko tinawag.

"Lolo?"Tawag ko, tumingin naman siya sakin pero agad din umiwas. Tinuon naman ulit ni Lolo ang pagbabasa sa dyaryo.

"Ano yon apo? May kailangan ka ba?"Tanong ni Lolo pero nakatingin lang siya sa may dyaryo.

"Pwede ko po ba papuntahin si Veda dito?"Nakangiting tanong ko, binaba naman niya yung binabasa niya saka tumingin sakin.

"Oo naman"Sagot ni Lolo at saka ulit nagbasa.

Napapangiti naman akong kinuha yung phone ko saka ko tinext si Veda.

To: My Bunch💕

"Hey bunch! Good morning💕"Text ko kay Veda pero hindi siya nag-reply.

'Baka walang load?'

Agad ko ulit siyang tinext dahil baka tulog pa yon kaso maagang papasok yon sa school pero kailangang dalawin niya muna ako at para na rin makita ko siya saka sobrang miss ko na talaga siya.

d*__*b

'Tch! Miss ka ba?!'

To: My Bunch💕

"Hindi mo ba ako dadalawin ngayon?"Text ko ulit sakanya pero hindi pa rin siya sumasagot kaya hinayaan ko na muna baka kasi tulog pa o baka walang load.

Mayamaya pa ay kinuha ko ulit phone ko saka ko siya tinawagan kaso hindi ko siya ma-contact.

d>>__<<b

Tinawagan ko ulit siya kaso nakapatay yung phone niya kaya inis ko naman yon binato na agad naman napansin ni Lolo.

"Oh may problema ba apo?"Nag-aalalang tanong ni Lolo pero ngumiti lang ako.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat