Chapter 07

2.4K 72 0
                                    

Bryce's POV

Nung lumabas si Veda ng Canteen pagkatapos ng nangyari kanina ay pinagmasdan ko siya hanggang sa kanyang paglabas. Tinapos ko lang yung pagkain ko saka ko muna pinauna yung apat at saka ko sinundan si Veda kaso bigla siyang nawala sa paningin ko kaya bumalik na lang muna ako sa Canteen at doon tumambay.

Hindi muna ako papasok sa last subject namin at magda-dahilan na lang ako na biglang sumama yung pakiramdam ko. Susundan ko kasi si Veda.

Mayamaya pa ay lumabas na ako ng Canteen dahil boring naman kaya naglakad-lakad na lang muna ako, hindi ko naman namalayang nadadala na pala ako ng mga paa ko sa may College building.

Lunch time nila ngayon kaya halos nasa labas ang lahat ng mga estudyante at yung iba siguro ay nasa Canteen. Hindi ko na naman namalayang dadalhin na naman ako ng mga paa ko patungong Canteen.

Sumilip lang muna ako sa may salamin at nakita kong mga estudyanteng nakatayo at nagkakagulo kaya pasimple akong pumasok sa loob ng hindi nila namamalayan at humalo sa mga estudyante.

Nagulat naman ako ng makita ko si Marcus na nakatayo sa tapat ni Veda samantalang nakaupo naman si Veda at nakatingin lang sa pagkain niya. Napansin ko naman na nakatapon yung pagkain sa damit niya. 'Ano na naman bang ginawa ng ugok na 'to kay Veda?!'

Napansin ko naman si Marcus na salubong na salubong ang mga kilay niya at galit na galit din ang mukha niya habang nakatingin kay Veda.

"Sinong gagong sinasabi mo ha?! At ang kapal din talaga ng mukha mo para sabihan din ako ng gangster!? P*ta ka! Alam mo ba ha?! T*ngna ka!"Malakas na sigaw at galit na inis na sabi ni Marcus kay Veda na hindi naman nagsasalita at nakatingin lang sa pagkain niyang natapon sa kanya.

Anong meron bakit nagagalit na naman 'tong ugok na 'to?!
Hindi naman ako nagtanong sa mga katabi ko dahil gusto ko ako mismo makaalam kung bakit bigla na lang nagagalit 'tong ugok na 'to kay Veda.

"May tainga ako Miss Veda Lia Ramos! At rinig ko yang mga pinagsasabi mo sakin! Ang pangit mo na nga, ang lakas mo pang manglait!"Galit na sigaw pa rin na sabi ni Marcus kay Veda. Bigla naman tumayo si Veda at akmang aalis na lang siya't hindi na lang din pansinin si Marcus kaso bigla na lang siyang hinawakan ni Marcus sa braso. Hindi naman siya nakatingin kay Marcus at nakita ko naman biglang tumayo din yung babaeng kasama ni Veda.

"Alam mo nung una palang kita nakita nabubwesit na ako sa pagmumukha mo!? Kaya kung ako sayo umalis ka na dito dahil hindi ka naman nababagay sa ganitong exclusive at mamahaling school!"Inis at galit pa rin na sigaw ni Marcus kay Veda. Nakita ko naman na nakatingin lang si Veda sa kamay ni Marcus na nasa braso niyang nakahawak. Parang wala siyang pakealam at wala din emosyon yung mukha niya.

Kahit pinapahiya na siya ni Marcus wala pa rin siyang pakealam. Tsk!

"At alam mo ba na tama sila na isa kang basura!"Sigaw pa ni Marcus. 'Tsk! Ang yabang mo! Baka kapag ikaw sinapak niyan bigla ka na lang magtago!' Nagulat naman ako at halos kaming lahat ng biglang tumingin si Veda ng matalim kay Marcus at biglang nagsalita..

"Baka mas mukha ka pang basura kesa sakin!"Nakangising sagot ni Veda kay Marcus pero hindi naman siyang mukhang nagulat at nakita kong biglang nainis yung mukha niya at ang ikinagulat ko ay bigla niyang sinapak si Veda sa mukha. Bigla naman agad akong nakaramdam ng awa kay Veda at inis kay Marcus. Lalapit na sana ako para umawat kaso bigla kong naalala na hindi ako pwedeng magpakita dahil kailangan kong alamin ang lahat bago ko iparating sa Lolo ni Marcus ang nangyayari ngayong gulo.

Nakita ko naman na agad lumapit yung babae kay Veda at nakita ko rin na agad inawat nung apat si Marcus. Kitang-kita ko ang inis at galit na mukha ni Marcus ngayon kay Veda.

DATING WITH A GANGSTER (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon